Chapter 4

66 22 0
                                    

Chapter 4

Kinaumagahan ay maaga akong gumising dahil wala naman akong pasok ngayon.  Kapag kasi weekend kahit walang pasok ay maaga pa din akong nagising para tumulong sa gawaing bahay at sa labas na din. Nakaugalian ko na kasi na tumulong kapag wala naman ginagawa noong una ay nag aaalala sila yaya suming kapag na tulong ako dahil baka raw mapagalitan sila nila tita at tito pero gusto ko talgang tumulong Kaya ako mismo ang kumausap kila tita na hayaan na akong tumulong tuwing walang pasok kila yaya suming. ayaw sana nito pero mapilit ako hanggang sa pinayagan na ako pero hindi ako gagawa ng mabibigat na gawain dahil may katulong naman daw.

Maaga akong naligo at nasuot lamang ng maiksing short na kulay blue na hindi lalampas sa aking tuhod at puting malaking T-shirt tsaka ako bumababa para hanapin si Yaya suming.

Hindi ko din namataan si koji sa baba siguro ay natutulog pa ito dahil mag aalas syete palamang.

"Magang umaga ya'.." Pambungad ko na bati kay yaya suming ng makita itong tinatali ang itim na plastic na kinalalagayan ng basura. nakasisiguro ako na ilalabas na niya iyon kaya agad akong lumapit para kunin ito.

May katandaan na si yaya suming pero mas pinili niya na magsilbi parin dito sa mansion, gayon din ang kanyang asawa na nag sisilbing driver ko at ang anak nilang hardenero nila tita na si kuya Mateo.

"Ya ako na po niyan baka po mapaano pa kayo, may kabigatan din po iyan.." pagkuha ko ng plastik kay yaya suming.

"Ay sus. wag na iha kaya ko na ito. Isa pa ay madudumihan ka lamang nito.. " Pag tanggi niya ngunit agad na nabitawan ang plastik ng iangat niya ito.

"Ya Naman eh. Sabi sayo eh ako na po niyan..." tsaka ko ito binuhat at pinakita kay yaya suming na kayang kaya ko iyon. agad naman itong tumawa dahil sa ginawa ko.

"Oh sya. hahayaan na kita nyan.. pero mag iingat ka dahil madumi iyan baka madikitan ka sabdamit. " tumango naman ako dito at nakangiting binit bitbiyon sa labas. totoong may kabigatan iyon pero kaya ko naman.

Hindi pa man ako nakakalabas ng gate ay may taong agad na inagaw ang dala ko at siya ang nag bitbit nito.

"Ikaw talaga! natatakot tuloy ako na baka mawalan na kami ng trabaho dito sa mansyon dahil sayo." natawa naman ako sa tinuran ni kuya mateo. Siya ang kumuha ng dala ko at nag dala ng plastic bag ng mga basura.  nakasuot pa ito ng gloves halatang nandoon ito sa harden ng matanaw ako.

"Kuya naman eh! Gusto ko lang po tumulong .." 

"Alam ko!" nag tawanan kami na nag labas mg basura at mag kwentuhan na rin. Alam kung may ginagawa siya sa harden kaya sumunod ako sakanya dito para tumulong. Napaka lawak ng harden dito sa mansyon at lahat iyon ay si kuya Mateo ang lahat na nag alalaga at nag titrim ng mga puno.

"kamusta nga pala ang pag aaral? Hindi kaba nahihirapan?" Pag kuway tanong nito habang nag lalagay ng lupa sa isang paso. tinapos ko muna ang pag lalagay ng ibang substrate sa hinahalo sa lupa na inilalagay sa paso.

"Okay naman po.. nag hahanda na din po ako para sa thesis namin sa susunod na semestre... Oo nga pala kuya pwedo ho ba ako na sumama minsan sa farm nyo naisip ko lang po na baka may makita ako na kakaibang halaman na pwede ko pong gawing research.!" He chuckled

"Malayo pa ang susunod na semestre pero iniisip mo na agad iyon? " he added

Hindi kasi ako mapalagay kapag na iisip ko na sa susunod na semestre na ang thesis namin at wala pa akong maisip. I was taking agricultural business course which same with kuya Mateo. Hindi ako mahilig sa halaman pero noong malaman ko na may naiwan na farm sila mommy at daddy sakin pinili ko na kumuha ng kurso na maaring makatulong sakin para pamahalaan ang farm na iyon. 

Unnoticed but noticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon