Chapter 20
Dumating ang sabado na wala parin akong balita kay eugine so I decided to open my Facebook. Baka sakaling mag online siya kaya balak kung mag iwan ng mensahe roon.
Marami akong natanggap na notification at mensahe sa mga hindi kilalang tao na bumabati lang naman. Wala akong kahit isang pinansin roon at agad na nag type ng pangalan ni eugine sa cellphone para mag message.
Na excite akong makita na may message siya saakin pero ng buksan ko Ito ay isa lamang na emoji na paborito niyang i send saakin.
Hindi niya ba ako naalala man lang. Galit ba siya? Ano bang nangyayari sa lalaking iyon. Pinag alala nya ako ng sobra dahil sa ginagawa nya. Kung kailan ko sya kailangan saka naman siya hindi nag paparamdam. I click his timeline to see the latest about him.
That moment I click it nabitawan ko agad ang aking cellphone at nanginig ang aking kamay.
Shit! Thats not true!!
This cant be.
Dahan dahan kung inabot ang aking cellphone na hulog sa aking paanan. Sa nanginginig na kamay at sasabog na pintig na puso ay nagawa ko ulit tingnan ang napakaraming post sa kaniyang timeline. I scrolled it all to see that it was a prank or even a joked.
'eugine had an accident? What happened?'
'Condolences to de veza family. Eugine not deserve to be die Early'
'pre! Ang daya mo. Nang iwan ka naman agad eh'
'we will miss you eugine!"
'Rest in peace.' posted 3 days ago.
Nanghina ako sa nabasa. Napasalamapak ako sa sahig. Tuloy tuloy na umagos ang masaganang luha sa aking mata na nauwi sa malakas na hagulgol.
Kaya ba hindi siya nag paparamdam? Kaya ba ng huling kita namin para siyang nag papaalam sakin? Walang tigil ang aking luha sa pag iyak. Naninikip ang aking dibdib na parang ano mang oras ay mawawalan ako ng hininga.
Marami ang nakikiramay sa kanayang Facebook account. Mga kaibigan. Mga pamilya at mga kaklase. I also saw his picture in hospital. Halata ang kaniyang sakit na iniinda pero pinilit niyang ngumiti sa harap ng camera.
He had an accident last Thursday and hospitalized for three days pero hindi na kinaya ng kaniyang katawan kaya bumigay raw ito. That was 2 days ago after my birthday when he accident.
Hindi ako makapaniwala at sa tingin ko ayokong maniwala sa aking mga nabasa. Sunod sunod akong nag padala ng message sa kaniyang account telling that its not true and contact me. Hindi pa ako na kontento kaya sunod sunod ko siyang nitext sa number niya at tinawagan. Nanlumo ako ng makaramdam ng pagod sa pabalik balik sa kwarto kakahintay na tumwag siya, mag text at sabihing hindi lahat totoo ang nabasa ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatayo, uupo o tatakbo para hanapin siya at puntahan Kung saan man siya naroon. I dont know what I'm doing and thinking to the point I find myself running from anywhere. Kahit ang malakas na ulan ay hindi alintana basta nag patuloy ako sa pag takbo na parang ang daan na tinatahak ko ay kung saan naroon si eugine. Ang aking kaibigan at ang aking minamahal.
Pagod na pagod na ang aking binti sa kakatakbo hanggang sa bigla nalang akong naupo sa gilid ng kalsada. Maraming dumaraan na sasakyan. Mga taong naka payong na dumadaan pero wala na akong pakialam basta ang alam ko lang lubos akong nasasaktan at gusto kung puntahan si eugine.
Eugine!
Eugine!
Eugine!!! Paulit ulit ko siyang tinatawag sa aking isipan na parang ano mang oras makikita ko iyong itim niyang motor sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Unnoticed but noticeable
FanfictionRee Avila, A very kind but has only one friend. She abortively lost his family suppossing her to live in galvez family. Elders Galvez was really love her but young kon jiester Galvez was really hate her. Will she stay there or choosing to be gun awa...