Chapter 3
Alas tres lang ng hapon ng makarating ako sa mansyon ngunit agad din na bored dahil wala naman akong gagawin. Minabuti ko nalamang na kuhanin ang laptop at tumuloy sa tabi ng pool para doon na rin mag aral. Wala naman sila tita dahil ang tahimik ng paligid besides the pool was so refreshing to study.
"Ree anak anong gusto mong merienda?" Napabaling ako kay yaya suming ng makitang palapit eto sa kinalalagyan ko
Ngumiti ako ng lumapit si yaya suming.
Nagrereview na kasi ako dahil prelim na namin this coming week at kailangan kung magsunog ng kilay ulit. Well, this was my routine every examination period. beisdes hindi ako katulad ng ibang anak mayaman na kahit di seryosohin ang pagaaral ay maganda ang future...Ako? Kagaya nga ng sabi ni koji, matagal na akong pulubi. Idagdag pa na hindi naman ako matalino katulad ni koji na kahit hindi mag review kaya niyang makakuha ng perfect score. Maybe, my classmates was admiring me for exceling in the class, they think that I was smart enough to had a higher scores always but they didn’t know that i didn’t even sleep properly just to study.
Nakangiti akong umiling. "Di na po ya' ayos lang po ako" pagtanggi ko.
“Nagluto si marithes ng blueberry cheesecake, gusto mo bang dalhan kita dito?" Tanong niya.
Muli akong umiling, "ayos lang po talaga ako ya'" pagtanggi ko ulit. Tumango na lamang siya bilang pagsangayon, at iniwan na ako.
Ibinalik ko ang buong atensyon ko sa aking binabasang libro, Agricultural extension ito at sa totoo lang ay nagkabuhol buhol na sa utak ko ang ibat ibang trends sa conservation ng nature.
"Later mom..." malakas na boses ng kadadating lamang na si koji ang pumukaw ng aking atensyon kaya napabaling naman ako dito. mukhang kausap si tita sandy sa telepono mula sa loob ng kanilang bahay.
Nakatrunks lamang ito, at mukhang araw ng kaniyang pag suswwimng kahit alanganing oras at katulad ng inaasahan ko, ang kaniyang poker face na mukha ay agad na nalukot ng makita ako. Kaya naman napayuko na lamang ako.
"Pumasok ka nga dun, i don't want you here..." seryoso at walang kabuhay buhay na sabi niya sa akin habang di man lamang magawang tumingin sa gawi ko habang nagstretching.
Napanguso ako. "Pero nauna ako dito koji.." mahinahong sabi ko.
Binalingan ako nito at tsaka nanaman matalim na tiningnan. "Bobo ka ba o Hindi makaintindi?" Huh? Ano daw? Pareho lang naman yun ah!
Asik niya sa akin na may kasama pang panduduro.
"Manuno ka sana. Duro ng duro." bulong ko naman. Mukang narinig niya iyon kaya nag-igting ang panga nito na para bang ano mang oras ay gusto niya ng paliparin ang kanyang kamao sa kahit ano mang parte ng aking mukha.
"Wala akong pakialam kung nauna ka dito, basta ang gusto ko umalis ka dito..." matigas na utos niya sa akin.
"Eh dito lang naman ako ah? Para namang masyado akong nakakaabala sa paglalangoy mo..." sabi ko pa.
Nanginig ang labi nito sa sobrang panggigigil." Matuto ka ngang lumugar Ree...sampid ka lang dito, wala kang karapatan sa kahit na anong sulok ng bahay na to, mahiya ka nga!" Sumbat nanaman niya sa akin.
Gusto nanamang pumatak ng mga luha ko, pero narealize kong nakakasawa na kaya naman napayuko at natahimik na lamang akong tumayo.
"Alis na! Dali na!" Sigaw pa niya sa pagkainip.
Nawalan na ako ng gana na mag aral kaya naman nahiga nalang ako sa kama. Hanggat maari pinipilit kung ibaling sa pag aaral ang aking utak at sa kahit ano para hindi ko maalala ang sakit sa pag kawala ng mga magulang ko. Pero sa ganitong pag kakataon na nalungkot ako hindi ko maiwasan na mangulila ng lubos. Paano kung nandito sila? Paano kung hindi sila na aksidente? Siguradong hindi ganito ang buhay ko. Walang koji na laging mamaliitin ang pag katao ko at sisira ng araw ko.
BINABASA MO ANG
Unnoticed but noticeable
FanfictionRee Avila, A very kind but has only one friend. She abortively lost his family suppossing her to live in galvez family. Elders Galvez was really love her but young kon jiester Galvez was really hate her. Will she stay there or choosing to be gun awa...