This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!
~~~
Nakadekwatro, paulit-ulit na pinapatama ang palad sa lamesa at nakabusangot ang mukha– ito ang naging sitwasyon ko ngayon dito sa loob ng coffee shop.
Pa'no ba naman kasi, mag-aalas singko na pero wala padin dito ang taong hinihintay ko. Alas tres ang naging usapan namin pero halos dalawang oras na siyang late. Idagdag pa na anniversarry namin ngayon. Sino'ng hindi maba-badtrip nito?
Kinuha ko nalang ulit ang telepono ko sa bag at sinimulan ng idial ang numero ng lalaking 'yon.
"Hello, Michael?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag. "Nasaan ka na ba, hah?"
"Na-late nga sabi ang dismissal namin. Pero papunta na ako diyan. Natraffic lang ako," walang gana niyang sagot.
Tsk. Nag-summer class pa kasi.
"Sabi mo 'yan, hah? Lagot ka sa 'kin 'pag nag-alas sais na pero wala ka padin dito. Late na late na kaya tayo sa pinag-usapan natin. Paniguradong alas siete na tayo makakarating sa Roxas."
"About that... m-may sasabihin ako sa 'yo."
"Hah? Sasabihin? Ano?"
"We'll talk when I get there."
Hindi na ako nakasagot nang bigla niyang ibaba ang tawag.
"Argh. That guy... He's really rude," naiinis kong wika.
Wala nadin naman akong nagawa kundi hintayin nalang siya. Inumpisahan ko na ulit simsimin ang kanina pa malamig kong kape. Imagine, kanina ko pa 'to inorder mga quarter to three.
Matapos ang ilang minutong paghihintay, sa wakas ay dumating na din 'tong boyfriend ko.
Pagpasok niya palang sa pinto ng coffee shop, napangiti na agad ako.
Ang hot niya kasi tingnan sa black-fitted shirt niya. Nakalimutan ko na atang galit ako sa kaniya e.
"Hi, Babe. Happy anniversary." Tumayo agad ako sa kinauupuan ko para mabigyan siya ng halik sa pisngi pero laking gulat ko nang umiwas siya sa 'kin. "Why? What's wrong?"
Direktang tiningnan niya ako gamit ang seryoso niyang mga mata.
"Do you have a problem?" tanong ko uli dahil sa pagtataka.
"I'm sorry, Sab."
"Huh? Sorry? Dahil ba dalawang oras kang nalate? It's okay, Babe. I know busy ka talaga sa summer class mo. Forget about it. Let's go nalang... Or maybe you want a coffee first before we drive to Roxas?"
Imbis sagutin ay tiningnan niya lang ako ulit gamit ang kaniyang nanlulumong mga mata.
"Mike... What's wrong?"
"I'm sorry pero ayoko na."
Matapos marinig ang kaniyang sinabi ay natameme lang ako sa hangin.
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa
General FictionSana Series #1 Sabrina Manalo, a wayward college student who is in search for true love, was caught up with a man she knew right from the very start she would never end up with because of their differing situations. Genre: General Fiction Language:...