This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents in this story are products of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or deceased, or to actual events or locations is entirely coincidental.R-18
TW: Violence, explicit scenes, and foul words
***
Kung pwede lang talaga na pabagalin ang mundo, parang lahat ng bagay ay tila minadali, ang lahat ay kay bilis. Lahat ng tao ay gusto ng pahinga, gustong pabagilin na lamang muna ang mundo dahil sa bilis nito ay hindi mo na alam kung saan pa ba talaga ako dinadala ng mundo.
Doon ba sa lugar kung saan yung tanging pagpipilian mo na lang ay kung ang sarili mo o ang ibang tao? Hindi perpekto ang mundo, hindi totoo na palaging saya ang mararamdaman natin dito sa mundo. Kung kaya minsan may mga pagkakataon na tatanungin mo yung sarili mo na kung kaya mo pa ba? Kakayanin mo pa kaya? Pero bawat isang tao na makakasalubong natin ay may isang laban na pilit na nilalabanan, bawat isa sa atin ay may laban na kailangang ipanalo.
Kaya sa mundong 'to, talo yung mahina, talo yung taong pipiliin ang sarili dahil sa mundong 'to hindi uso ang pagbigyan ang sarili mo, hindi uso na lahat ng bagay ay palaging ayon sa kung saan ka sasaya. Hindi mabait ang mundo, mabilis ang ikot nito, at kung pipiliin mo na lamang na huminto sa bilis nito, ikaw yung talo dahil parang sinuko mo na ang laban mo. Kaya palagi kong pipiliin na sana ay pabagalin ang mundo, na sana ay lahat ay palaging ayon sa gusto ko.
"Itigil mo ang pagtago sa hita mo, Sanya." pagbabawal sa akin ni Ate Hera, inayos niya ang hawi ng buhok ko at nginitian ako. "Maging ako hindi ko 'to gusto, pero palagi naman tayong mga tao gagawin yung bagay na makatutulong sa mga taong mahal natin 'di ba?"
"Ate Hera, natatakot talaga ako."
"Yung takot nasa utak na natin 'yan sa umpisa pa lang, pero yung tapang? Nasa puso't isipan natin 'yon, Sanya. Para kay Lola Camilla."
Kahit sa pagpapagaan ng loob ni Ate Hera ay hindi mawala ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi ko subok ang papasukin ko. Hindi ko rin ito gusto pero kung ito yung makakatulong sa amin, ito yung kailangan ko.
"Iiwan na kita." muling bumaling ang aking atensyon kay Ate Hera at nakita siya na ngayon ay nasa bisig ng isang lalaki, ganoon ba talaga ang kailangan ko na kayanin?
"Ija." naramdaman ko ang pagtayo ng aking balahibo, naramdaman ko ang matinding paglamig sa aking katawan. Rumerehistro sa aking mukha ngayon ang takot, takot na takot. Gusto ko na lamang na biglang tumakbo o maglaho pero pag ginawa ko 'yon, ako ang talo, ako ang matatalo sa sarili kong laban.
Nakita ko na lamang ang sarili ko nagpapadala sa kanya sa isang lamesa, dito ay agad 'kong naramdaman ang kaniyang malaking kamay na dumapo sa aking hita. Nakakatakot at gusto ko na lamang siya takbuhan.
"Umiinom ka naman siguro 'di ba?" mahinhin akong tumango, bakas sa akin ang takot at ilang. 'Yung hawak niya ay parang isang tattoo na siguro'y kahit anong hilod na gawin ko ay kahit kailan man ay hindi na mawawala, wala man marka sa balat pero nagmarka sa isipan. "Ilang taon ka na nga pala?"
"Twenty na po." kasinungalingan, dahil siguro sa hubog ng aking katawan na tila hindi halata sa aking edad kaya naman madali para sa kanila ang maniwala na nasa tamang edad na ako. Seventeen pa lamang ako, ngunit hindi ito halata sa akin at sa tindig ko.