S A M A N T H A
Pinahiran ko ang mga luha ko at kinuha ang laptop ko. Gusto kong malaman kung anong meron siya na w-wala ako.
Alam ko naman ang kanyang apelyido dahil tinanong ko si kuya kanina.
'Aubrey Harley'
May lumabas naman na mga inpormasyon na agad ko ding binasa.
'Aubrey Harley is a famous model in state. There's also a humor that Aubrey Harley have a boyfriend/Fianceé who named Mckenzie Sky Tariff. The heir of Tariff Company.'
That's all the information i got.
Sila pa rin pala. Hanggang ngayon. Napatawa na lang ako ng mapait.Naramdaman kong may basa sa laptop ko at gano'n na lang ang gulat ko ng makitang umiiyak na naman pala ako.
Grabe naman Sky, Ang sakit mong mahalin. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumuko sa'yo at magmahal na lang ng iba na kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko.
Wala e, ang malas ko talaga sa pag ibig dahil umibig ako sa taong may karelasyon.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak. Totoo nga 'yung sinasabi ng iba. Pagkatapos mong umiyak, makakaramdam ka ng antok. Dahil gusto ni Lord na magpahinga ka.
**
Nagising ako mga 6:00 Pm pa lang. Gusto kong maagang pumunta sa school dahil alam kong susunduin ako ni Sky ngayon. Nag text siya kanina lang. Kailangan ko na din siyang iwasan. For the sake of my heart.
Nagmamadali akong lumabas nang bahay kahit walang kain. Sa Cafeteria na lang.
***
Ngayon ay nandito ako ngayon sa Cafeteria, kumakain.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa classroom namin. 6:48 pa naman e, maaga pa kaya wala madyadong mga tao.
Papasok na sana ako sa loob ng classroom namin nang may marinig akong mga usapan sa loob at sa tyansa ko, Sina Lance, Hiro, at Sky ito. Ang aga naman nila?
Alam ko namang mali ang pakikinig sa usapan nang may usapan, ang kaso hindi ko mapigilan lalo na nang marinig ko ang pangalan ni Aubrey.
"Tol, alam mo na ba na umuwi na si Aubrey galing state?" Tanong ni Hiro.
"Yeah."
"Ano na ang gagawin mo?" Tanong naman ni Lance.
Huminga ng maalim si Sky at hindi sumagot.
"Ang bagsik mo din tol! Dalawang magagandang dilag ang na sa'yo! Si Aubrey at si Samantha! Total, dalawa 'yon, akin naman 'yung isa d'yan." Pang aasar niya kay Sky. Itong si Lance talaga.
"Gago!" Asik ni Sky sa kanya at agad na tinapunan ng mineral water na agad din niyang nailagan.
"Pero tol, seryoso, Mahal mo pa?" Tanong ni hiro na nagpatigil ng hininga ko.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa sumagot s'ya.
"Yes." Sagot niya na ikinawasak ko. Wala na. Talo na ako. Umasa kasi ako. Haha.
Hindi ko na nakayanan at tumakbo na ako papuntang garden at do'n umiyak.
"Bakit ba ang malas ko pagdating sa pag ibig ha?! m-may mali ba saakin?!" Hagulgol ko.
Bakit ang sakit? Bakit ba kasi ako nahulog sa kanya?
-
Aw, Huwag na kayong mag-jowa jowa. Sakit lang din naman ang inyong makukuha.
@Ms_Stewardess 2k21.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...