CHAPTER 26

8.7K 289 20
                                    

S A M A N T H A

Lumipas ang ilang araw at parati na ding nag aaway sina Mommy at Kuya.

Kasi naman eh, paanong hindi mag aaway, eh kapag may binibilin si Mommy kay Ate Joanna, hindi naman sumasang ayon si Kuya. Nako.

"Joanna, kailangan mong maglakad araw araw para malusog ang bata. Naintindihan mo ba ako?" Paalala ni Mommy.

Tumango naman si Ate Joanna.

"Mom! Mas mabuti kung dito lang siya sa bahay at hindi na lumakad kung saan saan! Baka mapano pa ang anak ko kung maglalakad si Joanna! Baka matapilok s'ha o hindi kaya ay madulas!" Inis na kontra ni Kuya.

Ganyan lagi si Kuya, parating umaapila sa mga bilin ni Mommy. Para na silang aso't pusa. Jusq.

"At ano? Ikukulong mo siya dito sa loob ng bahay? Nako, sinasabi sa'yo, Sammien ha. Pagmananatili lang dito sa loob ang mag ina mo sa palagay mo magiging malusog ang bata? Kailangan din naman silang maglakad lakad para maging maganda ang baby. Para malusog." Paliwanag pa ni Mommy.

"Nag iingat lang, Mom!" Inis na inis na saad ni Kuya.

"Hahahaha!"

Napatingin ang lahat saakin.

"Anong tinatawa mo dyan?" Kunot noong tanong ni Kuya.

"Nakakatawa kasi kayo. HAHAHAHAHAHA!" Tawang tawang sagot ko.

"Ikaw din, Samantha. Bigyan mo na rin kami ng apo! Aba! Hindi na kami bumabata. Baka hindi na namin maabutan anak niyo ni Sky." Biglang saad ni Mommy na nagpatigil sa akin sa pagtawa at namula.

"Mommy! Anong bang sinasabi mo?!a-ang bata ko pa para dyan!" Inis at nahihiya kong sabi.

"Anong bata?! Ang tanda mo na nga eh." Pilit nito.

"Mommy naman eh! Wala pa nga akong boyfriend tapos anak na agad?!" Asar kong sigaw dito.

Hindi pa nga kami ni Sky este wala pa nga akong jowa tapos anak agad? Mommy naman eh!

"Pero manliligaw meron." Pang aasar ni Mommy sa akin habang nakatingin sa likod ko.

"Anong manliligaw?! Wala akong manliligaw, okay?" Pagkaklaro ko sakanya.

"Wala? P'ano mo naman ipapaliwanag sa akin 'yan?" Sabay nguso nito sa kung sino man ang nasa likod ko.

Lumingon ako at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Sky na nakatayo sa likuran ko habang may hawak na bulaklak at Chocolates.

"S-sky," Nauutal kong tawag sa kanya.

Namula ang magkabilang pisngi ko nang siya'y ngumiti. Ang gwapo, lods. Pwede palahi?

"A-anong ginagawa mo dito, Sky?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

Pero imbes na sumagot, dumiretso siya kay Mommy at nagmano. Walang modo. Hmp.

"Hi, Tita." Bati niya pa. Ako, bebeqouh? *Pout*

"Sky! Ngayon mo na ba sisimulan?" Nakangiti at masayang tanong ng Mader ert ko sa kanya.

Agad akong nagtaka sa sisimulan.

"Anong sisimulan, Mommy?" Takang tanong ko.

"Nothing," Nakangiting sagot ni Sky.

Palihim akong napairap.
"Ikaw ba tinatanong ko?" Mataray kong tanong dito.
Ngumiti lang naman siya. Beeeh! Bakit ang gwapo???

Tbh, ngl, istg, tti, HE IS SO FVCKING HOT AND HANDSOME! Ohlala~

"Iho, Nasa'n na ang mga Magulang mo?" Tanong ni Mommy sa kanya na hindi sinasagot ang tanong ko.

"Susunod na lang daw sila, Tita." Walang po pero ang galing pa rin pakinggan.

The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon