CHAPTER 16

9.4K 327 14
                                    

S A M A N T H A

"Saan kayo galing?" Namumulang sa galit na tanong ni kuya.

"Sa school." Walang pakialam kong sagot.

"Anong sa school?! Nalibot na nga namin ang buong campus pero wala ka!" Galit na sigaw ni kuya.

Hindi naman siya siguro galit 'no?

"Sammien, Tama na 'yan," Awat ni Mommy.

Ang buong section black naman ay tahimik lang pero ang sama na ng tingin kay Xavier. Patay ka.

"Nag aaral ako, kuya." Malumanay kong saad.

"Anong nag aaral ha?! Wala ka nga sa classroom natin kanina!" Galit na sigaw niya.

"Sinabi ko bang sa section black ako nag aaral?" Tanong ko kay kuya.

Nagsinghapan naman sila. Tanga.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Nagtransfer lang naman ako sa section A. diba, Xavier?" Baling ko sakanya kaya sa kanya napatingin ang lahat.

"Yeah, tama si Sale. Do'n na s'ya sa amin." Sagot naman niya.

"So please, excuse us. Pagod at gutom kami. Halika na sa kusina, Xavier." Aya ko sakanya at hinawakan ang kamay niya para hilain papuntang kusina.

Nadaanan pa namin si Sky na madilim ang aura at masamang nakatingin sa magkahawak naming kamay. Nang mapatingin siya sa akin agad ko siyang binelatan.

"Bleh," Pang aasar ko at pumasok sa kusina. Tawang tawa kami habang papasok. Epic ng mukha ni Sky. HAHAHAHAHAHAHAHA

Pagkapunta namin sa kusina ay tinanong ko agad sya.

"What do you want? Coffee? Juice? Or softdrinks?" Tanong ko.

"You," nakangiting sagoti niya na nakapagpapula sa akin.

Kesye nemen. Kenekeleg eke se benet neye e. Hihihi.

“Ene ke be, h’weg ke ngeng bemenet. Kesye kenekeleg eke. Hihihi.“ Pabebe kong ani habang iniipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

“Psh, His jokes are not nakakakilig. Mas magaling pa ako d'yan. Hindi naman sila bagay. Tch.“

Napalingon kami sa taong nagsalita. Automatikong napairap ako. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Manang," Tawag ko.

Agad ding dumating si Manang.
"O, Ano 'yon, iha?" Tanong niya.

"Pwede pong magtimpla kayo ng Juice? Nagugutom na kami ang special guest ko.“ Magalang kong wika sa kanya.

Diniinan ko talaga ang SPECIAL.

"Oh sige, iha. Sandali lang."

Maya maya ay biglang pumasok sa kusina si Sky at pumunta sa ref upang kumuha ng tubig. Nauhaw siguro. Kawawa naman. Teka?! Anong kawawa?! Wala! Wala akong sinabi! Wala akong awa sa kanya! Pagkatapos niya akong paasahin?! Saktan?! Iwan?! Ha! Napatigil ako sa pag iisip at namula.
Oo nga pala, wala pala kaming label. Selos na selos ako tapos naalala kong wala pala kaming label. Hmp. Sana pala ako na lang ang nangligaw sa kanya no'ng hindi pa dumadating si Aubrey. Hihi.

“Sale? You okay?“

Napabaling ang tingin ko kay Xavier at ngumiti't tumango.

Nagtatawanan lang kami ni Xavier habang kumakain ng cookies nang pumasok si Manang na may dalang dalawang basong juice.

"Oh ito na, iha."

"Salamat po." Pasasalamat ni Xavier nang maibigay sa kanya ang juice.

Tumango naman sya at umalis.

Si Sky naman ay nasa harap ng pintuan at naka cross arms.

"Hindi ka pa ba aalis?" Inis na tanong ko sakanya. Kanina pa kasi siya nakatitig sa amin. Parang binabantayan ang mga kilos namin. Nakakainis na.

"Hindi ako aalis dahil baka kung ano na ang gawin niyo dito. May tiwala ako sa'yo. Pero sa gagong lalaki na 'yan, Wala. Walang wala."  Sagot niya at binulong na lang sa huli na hindi ko narinig.

Mga 8:28 ay nagpaalam na sa 'kin si Xavier dahil may klase pa bukas.

"Sale, Kailangan ko ng umuwi. 8:28 na pala. Hindi ko namalayan. Napasarap kasi kwentuhan natin." Natatawang lintaya niya sabay kurot sa pisngi ko.

May narinig naman kaming kalabog pero pinagsawalang bahala nalang namin 'yon.

Baka pusa lang 'yon.

-

Speechless author niyo. •.•

The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon