S A M A N T H A
Nandito kami ngayon sa bahay namin kasama ang mga kaibigan namin at sina Aubrey. May plano kasing sabihin ni Ate Joanna at Kuya ang tungkol sa pagbubuntis ni Ate Joanna para raw makahingi na rin sila ng advice patungkol sa pagbubuntis. Sa pagkakaalam ko, mamayang gabi pa ang uwi nila Mommy dito. Nandito lang sila, ang mga kaibigan namin dahil gusto daw nilang makikain. Hmp. Mga depunggol.
Natatawa nga ako kay Kuya. Para kasing baliw. Kanina pa ngingiti. Tingin siya kay Ate Joanna, tapos ngingiti. 'Yung tipong kita na gilagid. Hahahahaha!
"Kuya, ikaw ba 'yung lalaking nakatakas sa Mental?" Nagpipigil tawa kong tanong. Sorry, Kuya. Gusto kitang pagtripan ngayon. Hahaha!
Tumingin siya sa akin na nakangiti.
"Bakit sis?" Nakangiting tanong niya. Creepy.
"Kasi, Kuya. Para ka nang baliw kakangiti. Mula nang makarating tayo dito, ang laki laki na ng ngiti. Ganito oh," Ginaya ko ang ngiti niya. "Sobrang creepy mo. Kung hindi ko lang alam na buntis si Ate Joanna malamang sa malamang, kanina ko pa tinawag ang staff sa Mental Hospital para kunin ka." Pag aamin ko dito na ikinatawa ng lahat. Xanaols happy.
Naawala ang malaking ngiti ni Kuya at napalitan ito inis.
"Pwede ba, Samantha?! Kahit ngayon lang h'wag mo akong inisin o pagtripan?! Kita mong masaya ako tapos sinisira mo! Ayaw mo ba akong makitang masaya? Gusto mo bang maging malungkot at miserable ako parati? 'Yan ba ang gusto mo? Don't you love me na ba, Sis?" Ma-dramang lintaya nito na ikinagulong ng mga kaibigan namin sa sahig kakatawa. Ofc, except for Sky na nanatiling walang reaksyon. As always. (-_-)
"Mahal, niaaway nila ako, Mahal," Parang batang sumbong niya kay ate Joanna na tumawa lang. Mas lalo namang sumimangot si Kuya.
*Ding dong!* *Ding dong!*
Natigilan kaming lahat sa pagtawa at nagkatinginan.
"May inaasahan ka bang bisita, Kuys?" Tanong ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya.
"Wala naman, Sis." Sagot nito."Mabuti pa at buksan niyo na lang ang Pintuan dahil mukhang naiinis na ang tao sa labas. Hahaha!" Natatawang saad ni Ray.
Tumingin naman kaming lahat sakanya at binigyan ng 'Ikaw-ang-magbukas-look' na ikinawala ng ngiti niya at napalitan ito napalitan ito ng simangot. Epic! HAHAHAHAHA!
Nakasimangot siyang tumayo at naglakad papuntang pinto.
"HELLO EVERYONE!" Rinig naming sigaw ni...
"MOMMY?!/MOM?!" Gulat naming saad ni Kuya.
"Oh bakit parang gulat na gulat kayo?" Taka ngunit nakangiting tanong ni Mommy.
"Akala po namin sa mamayang gabi pa kayo uuwi?" Tanong ko dito.
Ngumiti naman ito nang maluwag. My Mom is so beautiful as always.
"Inumagahan namin ng uwi para naman makapag bonding tayo kahit na may Family picnic tayo bukas. Hindi niyo ba kami namiss?" Malungkot nitong tanong na ikinailing namin agad ni Kuya.
Ngumiti naman siya nang pagkalaki laki at bumaling sa mga kaibigan namin.
"Oh, may bisita pala kayo," Nakangiting sabi ni Mommy.
Biglang tumayo si Sky.
"Tita," Sabay beso niya kay Mommy. Tita?"Sky! ikaw pala 'yan. Nako, ikaw'ng bata ka. Ang laki laki mo na at ang gwapo mo na din. Naalala ko tuloy no'ng baby ka pa, umiihi ka sa'kin habang karga karga kita. Hahahaha!" Natatawang saad ni Mommy kaya ang lahat ay natawa na din. Samantalang si Sky ang pula ng buong mukha. Hahahaha!
"Ha-ha-ha-ha." Peke kong tawa dahil nagtataka pa rin ako kung bakit sila magkakilala.
"Mommy, magkakilala po kayo?" Tanong ko dito. Si Kuya nama ay nanatiling tahimik lang sa tabi. Siguro kinakabahan. Pft!
"Anak siya ng bestfriend ko. Si Claire. Remember her? 'Yung palaging bumibisita dito noon? Kini-kwento ko pa nga sainyong dalawa si Sky eh." Masiglang wika ni Mommy.
Ha? Gano'n? Hindi ko maalala.
"Ah," Nasabi ko na lang dahil wala talaga akong maalala.
"Pakilala niyo naman bisita niyo." Sabi ni Mommy at umupo.
Nagpakilala naman sila.
"Aubrey Cromillo po."
"Xavier Ramos, Madam."
"Ray Khurl Marquez."
"Lance Watson.
"Akihiro Chan."
At nagtuloy tuloy ang pagpakilala hanggang sa umabot kay Ate Joanna.
"J-joanna Del Cruz, Madam." Nauutal na kinakabahang pakilala ni Ate Joanna.
"So i assume na ikaw ang girlfriend ni Sammien?" Taas kilay na tanong ni Mommy. Taray, mga jumiga.
"Ma! H'wag kang ganyan! H'wag mong takutin!" Inis na saway ni Kuya sa kanya.
"O-opo, Madam."nakayukong sagot ni ate
"Don't ya worry, Joanna. Gusto kita para sa anak ko. Ang akin lang, h'wag mo siyang lolokohin ha? Baka pineperahan mo lang siya o whatevah." Nakangiti ngunit mataray na wika ni Mommy.
Napayuko naman si Ate Joanna na ikinainit ng ulo ni Kuya. Ta'mo. Patay.
"MOM! STOP THAT BULLSHIT ACTS OF YOURS! YOU'RE HURTING HER!" Galit na sigaw ni Kuya.
Agad naman siyang hinawakan ni Ate Joanna at pinakalma.
"Okay lang ako." Pagpakalma niya kay Kuya at bumaling kay Mommy. "Madam, hindi ko po piniperahan si Sammien o kung ano pa man. Mahal ko siya kung sino man siya. Hindi pera ang gusto ko sa kanya. Puso. Puso niya ang gusto ko. Pagmamahal niya ang kailangan ko. At higit sa lahat," Tumingin siya ulit kay Kuya. "Siya ang kailangan ko, hindi ang pera niyo," Madamdamin nitong saad na nagpangiti kay Madam este Mommy ng malapad.
"Nice. Nevermind ang sinabi ko kanina. I was just testing you and you passed." Masayang wika niya na ikinasaya nilang lahat especially sa dalawang lovers. Xanaols.
"Hey, Sammy and Sam, Ain't you gonna hug Daddy?"
Napalingon kaming lahat sa nagsalita at tumakbo ako patungo sa kanya.
"DADDY!" Masayang sigaw ko at yumakap.
"I miss you, Daddy" Malambing kong saad.
"I miss you too, Baby." Natatawang saad ni Daddy.
Sumimangot naman ako. Baby hmp.
"Dad, i ain't a baby anymore!" Nakanguso kong saway sa kanya.
"Yeah, whatever."
"Daddy namn eh!" Nagmamaktol kong wika.
"Hahaha! Tama na 'yan. Halina kayo at kumain na tayo." Natatawang aya ni Mommy.
"Sakto gutom na din ako eh." Saad ni Ray kaya binatukan s'ya ni Lance na matakaw din.
"Patay gutom ka talaga!" Bulyaw nito sa kanya. Binatukan din naman ni Ray si Lance. Hahaha! Cute nila.
Pumunta kami sa dining room na kung saan handa na ang mga pagkain na niluto ng mga Maids at umupo.
Nasa kalagitnaan pa lang kami kainan nang biglang nagsalita si Kuya.
"Mom, Dad. I have something to tell." Kinakabahan na sabi ni niya kaya tumahimik ang lahat para bigyan ng katahimikan si Kuya.
"What is it son?" Tanong ni Daddy.
"Joanna is p-pregnant," Nakayukong amin ni Kuya, gayon din si Ate Joanna.
"H-hind—" Naputol ang dapat na sasabihin ni Ate nang tumili si Mommy.
"Kyaaaaaaaa! Talaga?! You're pregnant?!" Masayang tanong ni Mommy.
Nahihiya namang tumango si Ate Joanna.
"OMYGOSH! Magiging lola na ako!" Malakas na tili ni Mommy na ikinasira ng eardrums namin. Jusq.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Ficção Adolescente[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...