CHAPTER 6

13.4K 472 16
                                    

S A M A N T H A

KINABUKASAN

Nandito nga pala kami ngayon sa loob ng sasakyan dahil pupunta na kami sa school. Muntik nga akong malate ng gising e. Buti na lamang tumilaok 'yung manok ni mareng buday.

"Sammy, may tanong ako." Biglang ani kuya saakin.

"Hmm? Ano po 'yun, kuya?" Tanong ko habang nakapikit.

Gusto ko pang matulog! Naman e!

"Bakit namumula ang iyong pisngi kahapon?" Diretsong tanong niya.

Opo. Diretso talaga. Walang preno.

Nagulat naman ako sa kanyang tanong at namula ng maalala ang nangyari kahapon.

Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi.
"W-wala ’yon, Kuya. Hehe." Namumula kong sagot. Omygosh!

"Ba't ka namumula ngayon? May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang leeg ko kaya tinapik ko agad ito.

"Wala ka namang sakit." Takhang sambit niya.

Hinawi ko naman ng mabilis ang kanya kamay. Mahirap na. Ma-issue pa naman ang unggoy na ito. Hmp!

"Kuya, Wala akong sakit, Okay? Ang init kasi kahapon kaya gano'n.“ Iwas tingin kong wika sa kanya.

"Okay.“ Sagot niya pero ang mukha hindi naniniwala sa palusot ko.

Napasimangot tuloy ako nang dahil doon.

Pagkarating namin sa school ay maraming mga babaeng naka abang sa labas ng sasakyan.

KYAHHHHH! OMYGOSHHHH! Nandito na si papa Sammien!“ sigaw ng isang bakla.

Naiirita akong tumingin kay kuya na nakangisi. Mukhang unggoy.

"Ano bang nakita nila sa'yo at nag kaganyan sila? Ang pangit mo nga e." Nakairap kong saad sakanya.

Umikot naman ang mga mata niya. Baklang unggoy. Hmp!

"Tsk. baka malabo na ang mga mata mo, Sis. Dahil hindi mo nakikita ang gwapo kong mukha.“ Mahangin niyang turan sabay pogi poise. Tsk.

"Mas gwapo pa nga sa sa'yo si Sky e.“ Pag aamin ko.

Duh, Totoo naman 'no. Mas lamang si Sky ng limang ligo sa kanya.

Saka ko lang narealize ang sinabi ko ng makita ko si kuya na malaki ang ngisi. Oh-huh. Mali ang pagkakaintindi niya.

Bago pa ako makapag explain, Agad na siyang nagsalita. Oh, No.

"So may pagtingin ka pala kay sky huh?" Pang aasar na sabi nito. Changgala!

Bakit mo kasi nasabi iyon, Samantha?! Dahil lang sa kiss na 'yon kagabi?!
Bago pa man sya makapagsalita ulit, Lumabas na agad ako. Nasu-suffocate ako sa loob.

“Ayy! Sino siya?“

Bakit kasama niya si Papa Sammien??"

"ANONG TITINGIN TINGIN NIYO?!GUSTO NIYO BANG DUKUTIN KO ‘YANG MGA MATA NYO?!“ Galit kong sigaw sa kanila.

Tangina. Badtrip ako ngayon kaya wag na wag nila akong inaasar.

nagsi-iwas naman sila ng tingin.

"Sis, Chill ka lang. high blood ka naman agad e. HAHAHAHAHAHA." Natatawang wika ni kuya na nasa likuran ko.

Inirapan ko lang sya at pumunta na sa classroom ko.
Pagdating ko roon, Umupo agad ako sa aking upuan ng padabog.

“Oh?! Tingin tingin niyo?! Gusto niyo tusukin ko mga mata niyo?!” Badtrip kong sigaw sa kanila.

Agad naman silang nagsi-iwas. Hindi ko sila pinansin at umob-ob na lang sa upuan ko.

Changgala! Ang awkward! Paano ba naman kasi, Nasa likuran ko lamang si Sky!

Maya maya lang ay dumating si kuya na nakangisi habang nakatingin sa akin. Argh! Wag mong subukan kuya! Sinasabi ko sa'yo!

"Sky, may sasabihin ako sa'yo." Pang aasar niya saakin. Changgala!

Pinandilatan ko naman siya ng tingin.

Ngayon ko lang din napansin, Nasa kanya lahat ng atensyon nang mag tao dito sa loob.

”What?“Bored na tanong ni Sky.

The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon