S A M A N T H A
Isang linggo na din ang lumipas nang malaman ko na officially in a relationship na pala sina Aubrey at Xavier. Wala namang reaksyon si Sky pagkatapos malaman iyon. Siguro, masakit sa part niya. 'Yung umuwi lang ang taong mahal niya para makipagrelasyon sa ibang lalaki. Saklap. At gag0ng Xavier na 'yon, hindi man lang nanligaw. Wala ba siyang ka-sweet sweet sa katawan niya?
It's been a 2 weeks since i moved back again in Section Black.
Ang pagbalik ko naman ang pag transfer ni Aubrey sa Section A. Tsk. Hindi talaga mapapaghiwalay 'yung dalawang 'yon. Parang mga tuko na nakadikit sa isa't isa.
Anyways, i'm here at our classroom. Just sitting while watching the boys being busy on something.
Hindi ko alam kung ano ang pinagbu-busyhan nila dahil parang may ginagawa silang mga letter na ewan.
Ewan ko lang kung ano iyon. Hindi naman ako si Marites.Nahagip ng tingin ko si Sky na nakatingin lang sa mga kaklase namin na may ginagawa. Ewan ko lang kung totoo ba o hindi dahil para syang kinakabahan na natatae na naiihi na ewan.
At tsaka, isa pang pinagtataka ko. Kung bakit mukhang good mood si Kuya and take note, ang laki pa ng ngiti ni Unggoy.
"Hoy, ano bang ginagawa niyo?" Tawag pansin ko sakanila..
Nataranta naman sila at dali daling tinago ang kung ano man ang ginagawa nila.
Samantalang nasulyapan ko si Sky na masama ang tingin sa kanila.
"H-ha? Ano...m-may ginagawa lang kami para sa Graduation. Tama." Kinakabahan na sagot ni Ray.
"Ahh, pero bakit ka kinakabahan?" Kunot noong tanong ko dito at pinanliitan ng mata ang mga ito.
Namutla naman silang lahat kabilang na si Sky na mas lalong pumutla. 'Yung ang puti na niya tapos namutla pa. Para na siyang bangkay. Gwapo at hot na bangkay. Hihihi.
Napansin ko din ang sabay sabay na tingin nila kay Sky. Huh?T H I R D P E R S O N 'S P O V
Sabay na namutla ang mga lalaki nang hindi naniwala si Samantha sa sinagot ni Ray. Abot hanggang langit ang kaba nila na baka malaman ni Samantha ang ginagawa nila.
"Shit! Hindi dapat malaman ni Sammy ang ginagawa namin!"
"Fvck! Mapapatay kami ni Sky nito!"
"Patay kami pag nalaman ni Samantha ito!"
"Hala, hala. Ang sama ng tingin ni Sky sa amin."
"Hoooo! Kinakabahan ako."
"Takte."
"Anong binubulong bulong niyo dyan?" Mataray na tanong ni Samantha sa kanila.
Sabay naman silang nagsi-ilingan na lalong nagpaduda sa kanya.
Samantalang si Sammien naman ay nakangisi na nakatingin sa mga lalaking namumutla.
"Hala, hala. Hahahaha! Kawawa ang mga unggoy! Hahaha!" Tawang tawa nitong bulong.
Sabay sabay naman silang tumingin kay Sky dahil hindi nila alam ang isasagot.
Si Sky namn ay nag iwas tingin lang at tumikhim.
Magsasalita pa sana si Samantha nang biglang dumating ang kanilang professor. Hindi na lang iyon inisip ni Samantha at nakinig na lamang sa Professor nila.
S A M A N T H A
Kakatapos lang bg Discussion namin kay Mr. Heloso nang lapitan ako ni Kuya.
"Bunso, punta muna tayo sa basketball Court." Aya ni kuya sa akin.
"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Mag papractice kami ng basketball ngayon at gusto kong manuood ka saamin. Kailangan ko rin ng magche-cheer sa akin e." Nakangising sagot niya.
Napairap na lang ako at pumayag.
Sabay kaming pumunta sa court. Pagpasok pa lang namin, bumungad agad sa amin ang mga tao. Ang dami nila. Practice lang 'to what if pa kaya if Tournament na?
"Kuya, akala ko ba magpra-practice lang kayo?" Duda kong tanong.
"Magpractice naman talaga kami, Sis."
"Bakit ang dami naman yatang tao?"
"Ganyan talaga 'yan basta gwapo" sabay pogi style kaya naghiyawan ang mga babae at binabae.
Napairap ako. Umiiral na naman ang pagmamaldita ko.
"Tsk." Masungit kong singhal.Tinawag naman sila sa kanilang Coach kaya nagpaalam na muna siya.
"Dyan ka na lang umupo, Sis. Reserved na 'yan para sa'yo." Nakangiting sabi ni kuya kaya umupo na ako kahit nagtataka kung bakit kailangan sa harap talaga. Pwede namang sa likuran na lang. Ang ingay kaya dito dahil mga babae ang nasa likuran ko. Baka mamaya makaladkad nila ako.
"Sig, punta na ako kay Coach." Paalam niya sabay halik sa pingi ko. Tumango na lang ako at ngumiti ng kaunti.
Pagkarating niya doon agad siyang sinalubong ni Sky na may kaba sa mukha at may binulong kay Kuya na tumingin sa direksyon ko at tumango kay Sky.
Iniwas ko na lang aking tingin at tiningnan ang tatlong babaeng papalapit sa aking direksyon. Sino ito?
Pagkalapit nila ay ngayon ko lang napansin na nangingilid ang luha ng isang magandang babae na nasa unahan.
"Hi," Bati no'ng medyo pandak. I'm being judgmental okay? I'm just describing.
"Hello,"Bati ko pabalik at kimi na ngumiti.
"Bakit mo kasama si Sammien?" Straight to the Point na tanong no'ng nasa kabilang gilid for short si left. Siniko naman s'ya ni Right. 'Yung may kapandakan.
"Tsk." Asik ni left.
"Pagpasensyahan mo na siya, Ate. Ganyan lang talaga s'ya." Hinging patawad ni Right. Napangiwi ako sa 'ate'
"Okay lang."
Umirap naman si Left. Maldita.
"B-bakit mo kasama si Sammien?" Naiiyak na tanong ni Font.
Hindi ko kasi alam ang mga pangalan nila.May naisip naman akong kalokohan. Napangisi ako ng lihim.
"Bakit? Masama bang kasama ko ang magiging asawa ko?" Nakangisi kong tanong na nagpaiyak sa kanya. Hala, hala.
As always, 'yan naman palagi ang sagot ko sa mga nagtatanong kung bakit kilala ko si Kuya.
"Shhh..Tahan na, Joanna." Pagpatahan ni Right. So this girl is Joanna huh? Ano kaya ito ni Kuya?
Umiiyak naman itong suminghot.
"A-alam ko naman na gwapo ang Jowa ko kaya m-maraming babaeng nagkakagusto sa kanya b-but i didn't expect na Fiancée ka n-niya." At bigla itong humagulgol. Dugyot. Napangiwi na lang ako at tinaasan ito ng kilay.
"So?" Mataray kong tanong na lalong nagpaiyak sa kanya.
"Walanghiya ka!" Sigaw ni Left at sumugod sa akin.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Roman pour Adolescents[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...