S A M A N T H A
Pagkatapos gamutin si Xavier ay nagpaalam ako para bumili ng pagkain niya.
"Hoy, Xavier! Bili muna ako ng pagkain mo ha?" Paalam ko sakanya.
Tumingin siya sa akin na parang alien ako.
"Makahoy itong babaeng 'to. Parang walang pinagsamahan." Drama pa niya.
Umikot 'yung mata ko at binatukan siya.
"Gaga! Anong pinagsamahan ang pinagsasabi mo?!"
"Hindi mo na maalala? Mga panahong sabay tayong matulog, sabay tayong umakyat sa bundok, sabay tayong magbihis, maligo, magswim— aray! Samantha naman e!" Nakanguso niyang reklamo.
"Bahala ka na nga dyan!" Tugon ko at nagmartsa paalis.
"Anong titingin tingin niyo?!" Mataray kong tanong sa Section Black na nakatulala sa amin.
Umiwas naman sila agad ng tingin well except lang kay Kuya at Sky. Napatingin ako kay Aubrey at napataas ang isang kilay nang makitang malagkit ang tingin niya kay Xavier. H'wag mong sabihing balak niya ding tuhugin itong lalaking 'to?
"HAHAHAHAHAHAHA! H'wag ka na ngang highblood d'yan. Bilis na, bili muna ako ng pagkain." Tawa ni Xavier at pinapalobo ang magkabilang pisngi.
Pinisil ko naman ang pisngi niya.
"Ang cute mo!" Nanggigigil kong sabi.
"Aray, m-masakit."Reklamo niya.
Binitawan ko na ang pisngi niya at ngumiti sakanya ng makita ang mapula niyang pisngi.
"Sige, alis na ako." Nakangiting paalam ko at tumalikod na. Inirapan ko muna ang Section Black at lumabas na. Bago ako makalabas ay narinig ko pa na may nabasag na vase. Kinibit balikat ko na lamang ito.
Hindi ko nalang itong pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang Cafeteria.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay bumalik na agad ako sa clinic.
Pagkapasok ko sa loob ng clinic ay nakita kong nagkagulo ang mga Section Black pati nga si kuya ay natataranta. Anong nangyayari?
May kung ano silang pinalibutan sa gitna. Kunot noo naman akong lumapit sa kanila.
"Excuse me,"Sabi ko pero mukhang walang nakakarinig dahil sa ingay.
Bumuntong hininga ako at nagbilang.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
"EXCUSE ME!"Sigaw ko.
Nagsitinginan naman sila saakin at mas lalong nataranta. Pta?
Dahil sa inis ko ay sumiksik na ako papuntang gitna na dapat ginawa ko na kanina pa.
Dahil nakita ko lang naman na nagsusuntukan sina Sky at Xavier.
Mahina pa ang katawan ni Xavier kaya agrabyado sya kay Sky.
"Sky! Tama na 'yan!"Awat ako.
Hindi sila tumigil kaya tinulak ko na si Sky at pumunta kay Xavier na duguan na mukha.
"Xavier, are you okay?"Nag alala kong tanong sakanya.
Pabalang naman niya akong sinagot.
"Mukha ba akong okay?" Masungit nitong tanong balik.
Inirapan ko na lang ito. Kung hindi lang 'to balbado, kanina ko pa ito sinapak.
"Nurse! Tulungan mo kami!" Tawag ko sa Nurse.
Tinulungan naman niya akong ihiga si Xavier at ginamot.
Pagkatapos niyang magamot si Xavier ay humarap agad siya sa akin.
"He need rest. Pagpahingahin mo muna siya. Masyadong marami ang sugat na natamo niya marahil galing din iyon sa bubog sa nabasag na vase." Salaysay niya sa kalagayan ni Xavier.
I sighed and nodded.
Tiningnan ko muna si Xavier for the last time at lumabas. Kailangan ko munang magpahangin. Tiningnan ko ang kabilang kama kung nasaan si Sky na nakahiga. Ang boung Section Black ay umalis muna dahil may mga klase pa sila. Ang natira na lamang ay si Aubrey, Sky, at si Kuya. Napatingin ako kay Aubrey at mas lalong nanghinala ng may pag alala sa mga mata niya habang nakatingin kay Xavier na natutulog. Hm..
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...
![The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/240792211-64-k831847.jpg)