S A M A N T H A
I'm here now sa kwarto ko, nakahiga. Ang boriiiiiiingg asf.
Isang buwan na ang nakaraan nang matapos ang plano ko. BWAHAHAHAHA. Natatawa pa din ako habang iniisip 'yon. It'll remain as an epic memories in my life! HAHAHAHAHA.
Linggo ngayon at dapat magpicnic kami pero may importanteng ginagawa sina Mommy at Daddy kaya 'andito lang ako sa bahay.
Si Kuya naman ay sinamahan si Ate Joanna na magpacheck up.
Hayyy! Sa susunod na palang linggo ang graduation namin. At alam niyo ba, habang palapit ng palapit ang graduation may kakaiba akong nararamdaman.
'Yon bang para akong excited at kinakabahan sa 'di ko malamang dahilan. Hayyy, nababaliw na yata ako.
Makapagmall na nga.
Nagbihis na ako at bumaba.
"Manong." Tawag ko sa driver.
"Yes, Ma'am?" Tanong niya.
"Pakihatid mo nga ako sa mall, Manong." Turan ko.
Tumango naman sya.
After 20 minutes, nakarating na rin kami sa wakas! Bumaba ako sa kotse at pumasok sa mall.
Una kong pinuntahan ay ang NBS. Namili ako ng mga pocket book at saka binayaran.
Sunod ay ang boutique na pagmamay ari nina Ate Joanna.
"Good morning, Lady Samantha. How may we help you?" Bungad ng Manager sa akin.
Kilala na kasi ako dito no'ng minsan na pumunta kami ni Ate dito.
"Just call me, Samantha. Tatawag lang din ako pag may napili na ako." Nakangiting sabi ko.
Naglakad lakad ako sa loob hanggang sa nahagip ng paningin ko ang isang off shoulder na kulay black na dress.
Nakangiti ko naman itong kinuha at tinapat sa sarili.
Dinala ko ito sa counter.
"You don't need to pay this, Lady Samantha. It's free for you." Nakangiting saad ng Cashier.
"You sure?" Pagsisigurado ko. Baka malugi sila. Ang laki pa naman ng presyo.
Tumango naman siya.
"Yes, Lady Samantha."
"Okay, thanks." Sabi ko at naglakad papuntang restaurant.
Pumasok ako at nag order.
Pagkatapos kong mag order ay naghanap na ako ng upuan at swerte ako dahil may nahanap pa ako despite sa daming tao ngayon dito. Almost couple silang lahat. This Restaurant looks like a Romantic Restaurant. The theme, music, ambiance. Everything!
Habang naghihintay sa order ko, nahagip ng tingi ko ang isang pamilyar na bulto. Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ito. SKY?!
MAy kasama s'yang magandang babae. Masaya silang nag uusap na animo'y magjowa sila.
Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa dalawang nag uusap at nagpapalitan ng ngiti.
Hindi ko nga namalayan na dumating na ang order ko.
Psh, manloloko ka, Sky! Akala ko pa naman seryoso ka sa akin! Napadikit ang labi ko nang makita kung paano hawakan ni Sky ang kamay no'ng babae.
Agad kong naramdaman ang nangingilid kong luha.
Bago ko pa masabunutan ang babae, umalis na agad ako doon. Leaving the foods and the money. Parang nawalan ako ng gana. Napagdesiyonan ko na lang na pumunta sa Jewelry shop.
Nagtingin tingin lang ako doon nang makuha ng atensyon ko ang isang couple necklace.
Hati ang heart at kapag ito'y ipagdidikit sa isa't isa, magiging buong puso na ito. Ang nasa loob ng puso ay buwan.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...
![The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/240792211-64-k831847.jpg)