S A M A N T H A
•||KINABUKASAN||•
Today is Monday! Unang araw ng Weekdays. Ibig sabihin, may paparating na namang Bagyong activities. Arggh. Kairita.
Since linggo kahapon, nagfamily picnic kami! Syempre! Hahaha! Anyways, nandito kami ngayon sa dining room, kumakain. Alangan namang naliligo diba? Duh, utak, lods. Utak. H'wag puro suso.
Tahimik lang kami kumakain when Mom suddenly opened a topic.
"Sam, kailan mo ba sasagutin si Sky? He's been courting you for weeks. Aren't you feel guilty?"Mom asks.
"Really, Mommy? Ilang linggo pa lang siyang nanliligaw sa akin tapos gusto mo na siyang sagutin ko siya? What kind of mindset do you have ba?" Irita kong sagot.
Ngumiti naman siya.
"Why not? Bakit hindi? Your Daddy nga just courted me 2 days at sinagot ko agad siya. So why not?" Nakangiti niyang sabi.
I was like, what?
"The fugde? Seriously? Is that even courting?" Hindi makapaniwalang Tanong ko.
"Yes. Alam kong ang panliligaw ay mahalaga din para sa ating mga babae because we want us to feel special from them. Pero diba? Think of it, bakit pa natin papatagalin ang panliligaw nila kung sa relasyon lang din naman ang punta? Para lang 'yang ibon na lumilipad. Kahit na isang linggo pa lang siyang nanliligaw sa'yo, alam naman nating pareho na relasyon lang ang mararating niyan sa dulo." Mahabang salaysay niya.
Napakunot naman ang noo ko.
"Asa'n doon ang ibon?" Kunot noong tanong ko.
Sumubo si Mommy at uminom ng tubig.
"Lumilipad."Seryosong sagot niya na ikinaasim ng mukha ko. Wala talagang kasarap kausap si Mommy.
"Pero, Mommy. Hindi naman sa nagpapabebe ako kaya matagal kong sagutin si Sky. Ang gusto ko lang naman kasi ay maranasan ang pakiramdam na nililigawan. Ayo'kong magmumukhang easy to get. Ayo'ko ding magmumukhang hard to get. I want to be...equal." Pahina ng pahina ang boses ko hoping na she got my point.
"Pero diba anak, pwede ka namang ligawan pa rin ni Sky even though you two are together na. Won't you like that? It's equal. Hindi ka nagmumukhang easy to get dahil nililigawan ka pa rin naman niya at hindi ka rin naman nagmumukhang hard to get dahil kayo na naman. It's equal."Lintaya niya.
Okay, i give up.
"What's really your point, Mom?" Asar kong tanong sa kanya.
"Ang akin lang naman kasi, nakikita kong seryoso talaga si Sky sa panliligaw sa'yo. Ikaw lang naman itong nag iisip na hindi." Saad niya.
Inirapan ko na lang si Mommy.
"Tama na 'yan. Sammy, Sam. Pumunta na kayo sa school dahil baka malate kayo. At ikaw, hon. Halika na dahil may flight pa tayo sa Singapore."Awat ni Daddy.
Humalik muna kami sa pisngi nila. Kahit magkagalit kami ni Mommy ay madali lang namin itong naaayos. That's what family is.
Lumabas na kami ng bahay at bubuksan ko na sana ang pinto sa backseat ng sasakyan ni Kuya nang pigilan niya ako.
"H'wag ka dito sumakay, Lil sis."Saad ni kuya na ikinataka ko.
"Bakit, kuya?" Takang tanong ko.
"May sundo ka," Sabay nguso sa likuran ko. Nilingon ko naman iyon para lang makita si Sky na nakatingin saamin habang may dalang bulaklak.
"Sige na, puntahan mo na." Sabay pasok sa loob. Aangal pa sana ako pero pinaharurot na niya ang kotse. Bas2s.
No choice ako kundi papunta kay Sky.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Novela Juvenil[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...
![The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/240792211-64-k831847.jpg)