S A M A N T H A
Bakit sa kanya pa? Bakit sa may karelasyon pa? Bakit sa may karelasyon pa ako nahulog? Ang sakit lang kasi. Akala ko siya na. Tapos bigla kong malalaman na may iba pala siyang mahal? Hindi ko ine-expect 'to. Haha.
Kung ipaglalaban ko man sya ay alam kong sa huli ay talo rin ako. May mahal s’yang iba. At alam kong hindi ako 'yon.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may biglang naglahad ng panyo sa harapan ko.
Napatingin naman ako kung sino ito.
Tiningnan ko siya. Head to toe. Matangkad. Matangos ilong. Mahahaba pilik mata. Pwede nang ipalit kay Sky. Just kidding, loyal ako sa kanya. Hihi.
"Ano 'yan?" Masungit kong tanong dito.
"Bulaklak," Sarkastikong sagot niya.
Inirapan ko na lang s’ya at hindi na sumagot. I'm pretty sure na ang pula na ng mata ko. Bakit ko ba kasi iniiyakan ang taong walang kwenta? Heto na naman ang mga luha ko. Nag u-umpisa na namang tumulo.
Napasinghot ako dahil feel ko anytime lalabas na 'yung sipon. May kasama pa naman akong Papabols. Nakakahiya.
"Oh, punasan mo ang luha mo." Utos niya sa akin.
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay at saka, inirapan. Kung makapag utos. Hmp.
Hindi ko pupunasan itong mga luha ko. Psychology says pa naman na humahaba ang pilik mata mo dahil sa luha. Which is true. Mahaba naman talaga 'yung akin pero i'm not contented. Hihi. Mas mahaba pa rin kay Sky. 'Yung pilik mata ang pinag uusapan ha? Hindi 'yung birdie.
Nang makita niyang wala akong balak kunin at punasan ang mga luha ko, s'ya na lang ang nagpunas nito.
“Ano ba! 'Wag mo ngang punasan 'yan!“ Saway ko rito pero huli na. Dahil napunsan na niya.
"You're welcome." Saad niya at naglakad papaalis.
Ta'mo, ang bastos kausap.
"May sinabi ba akong pwede ka nang umalis? Ano pala pangalan mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. He have looks.
“The name is Xavier Guerrero. And you are?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Ngumiti naman ako ng pilit.
"Samantha Alession Salvador." Pakilala ko sabay shakehands."Perhaps, You're Sammien?"
"Sister." Saad ko.
Tumango tango siya.
"Oh. Btw, Nice name, Sale."
"Sale?" Takhang tanong ko.
"'Yan ang tawag ko sa'yo.“ Natatawang aniya.
"Ano ba ang problema mo? You know, sabi nila mas mabuting magkwento ka sa taong hindi mo/ka kakilala dahil hindi ka nila huhusgahan." Turan niya.
Ngumiti na naman ako ng pilit at nagkwento.
"Alam mo 'yung nagmahal ka ng taong may karelasyon? Ang sakit diba? 'yung akala mo siya na talaga... 'Yung akala mo mahal ka din niya dahil pinaparamdam niya sa'yo araw araw na mahalaga ka. Nagmahal ako ng isang lalaking may mahal ng iba. A-at alam mo ba ang mas masakit? 'y-yung bumalik n-na ang taong mahal niya at ako? W-wala, h-hindi nila alam n-na may nasasaktan na p-pala." Umiiyak kong kwento.
Napahagulgol ako sa sobrang sakit ng puso ko.
Niyakap naman niya ako.
"Shhh.. Tahan na. si Sky 'yung tinutukoy na lalaki 'no? " Tanong niya.Gulat naman akong napatingin sakanya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko pabalik."Secret." Natatawang sagot niya.
Natawa din naman ako. Ang sarap niyang kasama.
"'Yan, tumawa kana. Mas maganda ka kung tumawa ka palagi." Nakangiting sabi ni Xavier.
Namula naman ako na mukhang nakita niya dahil tinutukso niya ako.
" 'Yon oh! Namumula s’ya! kinikilig ka 'no?" Natatawang tukso niya saakin.
H-hoy.
"Ano ba!" Kunwaring naiinis na asik ko.
Kalauna'y napabuntong hininga na lang ako.
"Pero real talk, Pa'no ko ba maiwawala ang nararamdaman ko para sa kanya? " Namomoblema kong tanong.
Hindi pwedeng hindi mawala ito. Alam kong sa huli ako pa rin naman ang masasaktan.
"Umiwas ka."
-
Edited na! HAHAHAHAHA.
![](https://img.wattpad.com/cover/240792211-288-k831847.jpg)
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...