S A M A N T H A
Lumabas na kami sa kusina at pumunta sa garahe.
"Ingat sa pagda-drive ha?" Bilin ko rito. Mahirap na, kaskasero pa naman ito.
"Yes, Master!" Sabay saludo.
Natawa naman ako.
Sumakay s'ya sa kotse at bago pa siya umalis, nag flying kiss muna siya sa akin. Napailing na lang ako.
Papasok na sana ako sa loob ng mahagip ng tingin ko ang sasakyan ni Sky at ng iba pang Section Black na palabas din at sinundan ang direksiyon ni Xavier.
Nagkibit balikat na lang ako dahil baka do'n din ang direksyon ng kanilang bahay.
Btw, Guys. Kung naalala niyo pa ang Camping namin ay hindi na iyon matutuloy dahil sa maraming nangyari at hindi na din daw pumayag ang Section black na magcamping kami i mean sila.
Ewan ko lang kung bakit. Lampakels.
Humiga ako sa kama ko at napa-isip. Ano kaya ang mangyayari bukas 'no? Sana naman maging maganda ang araw ko bukas. And with that, I already fell asleep.
KINABUKASAN
Nandito ako ngayon sa classroom ko naghihintay sa first subject. Pansin ko lang ha? Bakit wala pa si Xavier? Hindi naman 'yon nala-late ha?
Ngayon lang siguro. Maya maya lang ay pumasok si Prof kasunod si Xavier na bugbog sarado ang mukha.
May black eye s'ya tapos may pasa sa pisngi at may sugat sa gilid ng labi.
Napatayo naman ako kaagad at nilapitan ito.
"Anong nangyari d'yan?! Sino ang bumugbog sa'yo?!" Natatarantang tanong ko sa kanya.
Umiling siya.
"Wala 'to. Hindi naman siya masakit e." Nahihirapang sagot niya na ikinaangal ko"Anong hindi masakit?! E, halos hindi ka na makalakad!" Sermon ko sakanya.
"Prof, Pwede po bang pumunta kami sa clinic? Malala kasi ang lagay ng kaibigan ko." Excuse ko kay prof.
"O, siya. Sige. Pumunta na kayo." Aniya.
Inalalayan ko naman si Xavier papuntang clinic.
Pagkarating namin do'n ay pinaupo ko si Xavier at todo alalay ako dahil baka mapahiga kami sa malamig na semente.
"Nurse!" Tawag ko.
Nagmamadali namang pumunta ang nurse dito.
"Yes, Ms?" Tanong niya."Pwede mo bang gamutin ang kaibigan ko? Malala kasi ang lagay niya." Nag alalang saad ko.
Tumango naman sya kaya gumilid na ako at pinanood sila. Napabaling ang tingin ko sa katabing kama namin at doon ko lang din napansin na nandito din pala ang buong Section black sa clinic
Napataas naman ang isa kong kilay nang mapansing nakaratay din si Sky sa kabilang kama.
Inirapan ko sila at tumingin kay Xavier na nakangiwi.
"Ayusin mo naman, Nurse! Kitang nasasaktan ang kaibigan ko oh!" Singhal ko.
H’wag ngayon. Badtrip ako! Ano naman kung magkasama sila?! Ano naman ngayon kung magkahawak kamay sila?! Ano naman ngayon kung nandoon si Aubrey na nag aalaga sa kanya?!
'Nagseselos ka lang e.' Segunda ng utak ko.
Ako?! Nagseselos?! In his dreams! Kahit maglaplapan sila hinding hindi ako magseselos. Kahit na magsama pa sila sa iisang bubong! Atsaka, hindi naman sila bagay e. Hmp.
-
Hindi pala nagseselos, Samantha ha?
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
أدب المراهقين[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...