S A M A N T H A
Nagdaan ang mga araw at bukas na ang graduation namin.
Nandito ako ngayon sa Classroom at mukhang busy ang mga tao dito dahil lakad dito, lakad doon. Sa tingin ko, ako nga lang ang hindi busy ngayon e.
Nakaupo lang ako sa upuan ko samantalang ang lahat ay palakad lakad.
"Kevin!" Nang hindi na ako makatiis, tinawag ko na ang isa sa mga kaklase ko.
"Bakit, Sammy?" Hindi tumitingin na sagot niya. Mag cinu-cutting siya na mga words sa isang Cartolina.
"Anong meron ngayon at mukhang ang busy niyo?" Nagtatakang tanong ko.
Nakita kong sabay sabay natigilan ang lahat. As in, 'yung parang na-estatwa sila sa gitna ng kanilang paglalakad. Epic nga e, may mga nakanganga pa. HAHAHAHAHAHA.
Bumaling ulit ako kay Kevin dahil ang tagal niyang sumagot.
"H-ha? W-wala. Para sa graduation lang natin 'to." Nakaiwas tingin na sagot niya.
"Ah, okay."
Pero dahil hindi ako nakuntento sa sagot niya nagtanong pa ako.
"Pwede ba akong tumulong?" Tanong ko sa kanila na agad nilang hindi sinang ayonan.
"Hindi na!"
"Hindi pwede!"
"Kaya namin 'to!"
"Hindi na, Sam! Madali lang naman 'to."
"Oo nga. Ha-ha. Sa sobrang dali parang gumagawa lang kami ng isang paper airplane. Diba, tol?"
"Oo. Ha-ha."
"T-tama, tama. Ha-ha-ha."
E'di h'wag. Tinawag ko na lang si kuya ko.
"Kuya!" Tawag ko sa kanya.
"Maya na, Lil Sis, busy pa ako." Sagot niya.
Saan ba si Sky? Nilibot ko naman ang paningin ko sa classroom at binggo! Nakita ko sya. Ang kaso, nag init agad ang ulo ko nang makitang may kausap siya na babae. Tch.
"Sky!"
Tumingin naman sya saakin.
"I'm busy, Samantha." Sagot niya at humarap sa babaeng malalaki boobs.Napatingin ako sa boobs ko at sa kanya. Okay, fine. Mas malaki sa kanya. Hmp.
Tsk, busy ka paglalandi?! Bahala nga kayo dyan!
Lumabas ako sa classroom at pumunta sa rooftop.
Pagbukas ko pa lang ng pinto malakas na hangin agad ang bumungad saakin.
Kay gandang tanawin ang langit. Tumingin ako sa baba at nakita kong abala ang lahat sa ginagawa nila.
May nagtatawanan, nagkekwentuhan at syempre di mawawala ang mga landian at harutan.
Ang boring! tinawagan ko na lang si Mason.
'Calling Mason..'
Ilang minuto pa ay sinagot na nya ang tawag.
"Hello, Samantha?"
"Mason, pwede ba tayong magkita?"
"Okay saan?"
"Park," Maikli kong sagot.
"Sige, hintayin mo na lang ako sa labas ng school niyo."
"Sige,"
binababa ko ang tawag at bumaba sa rooftop.
Naghintay pa ako ng ilang segundo sa harap ng school hanggang sa nakita ko ang sasakyan niya.
"Let's go?"
Tumango naman ako at sumakay.
J A Y S O N
Nakita ko si Samantha na sumakay sa isang sasakyan at may kasamang lalaki.
Shit! Sumama siya sa ibang lalaki!
Kailangan ko itong masabi kay sky.
Nagmadali akong pumunta sa classroom at dirediretso ko itong binuksan.
"SI SAMANTHA SUMAMA SA IBANG LALAKE!" Buong lakas kong sigaw sa lahat.
Napatigil naman sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin.
"Sigurado ka, Jayson?" Tanong ni Sammien.
"Oo nga!"
"Nakita mo ba ang itsura?"
Tumango naman ako.
"Oo! maputi, medyo singkit ang mata, malaki katawan at mukh—" Natigil ako sa pagsasalita ng makarinig kami ng malakas na tunog.BLAG!
napatingin naman kami sa pintuan ng pabalang na sinara ni Sky ang pinto.
"Fuck! S'ya siguro yung naghatid sa kapatid ko kagabi!" Inis na saad ni Sammien.
"Ba't ka naiinis, Sam?"
"Anong direction sila papunta??" Hindi niya sinagot si Lance. Sa halip, nagtanong siya ng tanong.
"Papuntang park—" Hindi ko na naman natapos ang sakita ko nang nagmamadaling itong umalis.
Napakamot na lang ako sa batok. Uso pa ngayong araw ang pumutol ng salita.
"Okay lang 'yan, Jayson. HAHAHAHAHAHA."
Nagsitawanan na rin ang lahat. Bullies!
S A M A N T H A
"Talaga?! HAHAHAHA! Ang saya pala ng kabataan mo!" NAtatawa kong turan.
Nagkekwento kasi siya tungkol sa kabataan niya kaya tawa ako ng tawa.
Nasa kalagitnaan pa lang kami ng tawa ng biglang nasalampak si Mason sa lupa.
"Mason! Okay ka lang?" Nag aalala kong tanong.
Tumingin naman ako sa kung sino ang sumuntok sakanya at nagulat ng makita si Sky na umaapoy ang mga mata sa galit.
Kasama niya sina kuya at Xavier.
"A-anong g-ginagawa niyo d-dito?" Kinakabahan kong tanong.
Sheyytt na pakeningg, bakit ba ako kinakabahan?
"Xavier and Sammien, hold her." Utos ni Sky sa kanila.
Nilayo naman ako nina kuya kay Mason.
"Ano ba kuya! Bitawan niyo nga ako!" Reklamo ko.
Hindi nila ako binitawan at dinala nila sa loob ng kotse ni Sk at nilock.
"Kuya! Buksan niyo 'to!" Pagwawala ko.
"Kuya!" Sigaw ko kahit alam kong wlang nakakarinig sa 'kin.
Nakita kong kinakausap ni kuya si Sky na parang pinapakalma.
Tumaas baba na ang dibdib ni Sky sa sobrang galit.
Tinulungan naman nila Xavier na makatayo si Mason kaya nakahinga ako ng maluwag.
Ilang minuto pa nag usap sina Sky at Mason hanggang sa pumasok na sila dito sa loob.
"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ko agad pagkarating nila.
Hindi ako pinansin ni Sky.
Tumingin naman ako kay kuya na nasa driver seat.
"Kuya?"
"Wala 'yon, Sis" Sagot niya.
"Tch. Ayaw pang sabihin." Asik ko.
Nang makarating kami sa mansion pumasok agad kami sa library.
Paktay sermon aabutin ko dito.
-
Patay ka, Sammy!
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...