S A M A N T H A
Habang nakaupo ako dito sa bench ng garden may biglang umupo sa gilid ko.
Napatingin naman ako kung sino ito at nagulat ng makitang si Aubrey pala ito.
"Hi. You're Samantha right?" Mabait nitong tanong.
Tumango naman ako. She smiles.
"Napakaganda mo." Panimula niya. Ehe, mesyede ke nemeng henest e. Hihi.
"Alam mo ba," Hindi. "Simula no'ng nagtransfer ako dito noong isang linggo," Ok. " hindi ako pinapansin ng lahat ng Section Black." Tapos? Mukha ba akong may pake? Kidding. "Maski isa." Talaga ba? "Palaging buku bibig nila ay "Nasan na si Samantha?" "Bakit s'ya nagtransfer?" "Hindi ko na si Sammy" Marami pa 'yan. Ang sakit lang na marinig mula sa kanila iyan. Ako 'yong hinahanap nila noon e. Ako 'yung namimiss nila noon. Ako 'yong Reyna nila noon. Ako 'yon noon e. Ako 'yon.." Noon lang 'yon! Ako na ngayon! Charot. "Akala ko...akala ko pag babalik ako magiging masaya sila. Akala ko kung magpapakita ulit ako gano'n pa rin ang turing nila, hindi pala. And then, i realized. Hindi lahat ng taong iniiwan mo, gano'n pa rin ang pagtrato sa'yo. Tratong prinsesa. I'm so stupid to expect na Prinsesa pa rin ang turing nila sa akin sa kabila ng pag iwan ko sa kanila. I left them. I left them in the midst of their racing. I left them hanging." You left, remembrance? "Honestly, naiinggit ako sa'yo. Nakuha mo agad kasi ang tiwala nila. Samantalang ako noon, pinaghirapan ko pa na makuha ang tiwala nila sa akin. Ako ang naghirap pero ako rin pala ang nang iwan. I fixed them but i'm also the one who broke them. Funny isn't it?" Mahabang drama i mean kwento niya."Medj i mean, hindi naman." Saad ko rito.
She sighed. Buti hindi ito umiyak. Hindi pa naman ako marunong mag-comfort. Comflirt lang. Charot!
"You're so Lucky, Samantha." May bahid na inggit sa boses niya.
"Nako, h'wag kang mag alala, hindi naman na ako babalik do'n e. Nandyan ka naman para sakanila at isa pa, ikaw ang nauna sa Section Black kaya ikaw ang prinsesa nila."Ngiting pilit kong turan. Talaga ba, Samantha?
"Ako nga ang nauna pero ikaw naman ang huli nilang Prinsesa." Mapait niyang sabi.
Natahimik naman ako at napakagat labi. Hanggang sa biglang may naalala ako.
"Uhm, Aubrey pwede mag tanong?" Nahihiya kong tanong rito.
"Go ahead,"
"Ah, ano kasi." Hindi ako mapakali!
Natawa naman s'ya dahil roon.
"Sabihin mo na." She laughed.
Nahihiya naman akong napakamot sa batok.
"K-kayo pa ba ni Sky?""Well, honestly, simula no'ng umalis ako at nag ibang bansa ay kami pa no'n hanggang sa pagbalik ko ngayon. We didn't have a serious break up actually." Sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin.
"Ah, g-gano'n ba?" Nakayukong ani ko."Pero kahapon lang ay nagpaliwanag na s'ya na wala na s'yang naramdaman para saakin at may iba nang nag mamay ari sa puso niya."
"H-hindi ka na niya mahal? P-pero narinig ko sa usapan nila na m-mahal ka pa niya." Hindi siguradong saad ko.
"Yup, mahal pa niya ako pero bilang kaibigan na lang dahil may mahal na nga s'yang iba." Nakangiting pilit niyang tugon.
"S-sino naman iyon?" Tanong ko.
Ngumiti siya.
"Wala ako sa posisyon upang sabihin kung sino ang mahal niya and it's for you find out."Aniya.Ngumiti naman ako ng pilit.
"So i conclude na may gusto ka sa kanya or rather mahal mo sya?"Parang sigurado niyang tanong.
Ano pa ba ang silbi ng pagsisinungaling ko? Mukhang napansin niya ang mga kilos ko e.
Namumula naman akong tumango.
"So, i am right." Tumatangong ulo niyang wika.
"Halata ba masyado?" Nahihiya kong tanong.
"Hindi naman. Nakita ko lang kanina no'ng tumingin ka kay Sky at may dumaang pag alala sa mata mo." Nakangiti siya.
Omgg! Nakakahiya! ヽ(*≧ω≦)ノ
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...