S A M A N T H A
At sa wakas! Dumating din kami! Infairness, ang laki ng bahay nila. Doble ang laki kaysa sa amin. Atleast may bahay diba? Hihi.
"Sainyo ba 'to, Sky?" Mangha kong tanong nang makapasok kami sa loob.
"Yeah."
Ta'mo, kahit kailan talaga apakalamig ng isang 'to.
"Ang laki." Bulong ko sa hangin. Totoo naman ah! Walang aangal! Ang aangal panget!
Nagpark si Sky sa Garahe at agad na bumaba. Sumimangot ako nang napagtanto ko na hindi niya ako pagbubuksan. Ungentleman. Hmp! Tampo ako. (T⌓T)
Nasa loob na ng bahay si Sky samantalang ako ay papasok pa lamang. Napaka-ungentleman niya talaga! Nanggigigil ako! Grr!
Pagpasok ko may nakita agad akong nakahilerang mga maid sa gilid. Taray, parang 'yung nakita ko lang sa Tv. May mga maid sa magkabilang gilid na nakayuko at naglakad 'yung Donya sa gitna. Minsan lang 'to, kaya lubos lubusin na.
Ginaya ko ang nakita ko sa Tv. Feel na feel ko ang pagiging donya nang nakita ko si Skyunggoy na papasok sa Dining area yata nila. Hindi manlang ako hinintay. Hmp!
Susunod na sana ako sa kanila nang marinig ko ang pangalan ng unggoy na 'yon sa dalawang nag uusap na maid.
"Ang gwapo talaga ni Señorito Sky 'no? Nakakalaglag panty." Maidosa #1.
Hindi ko alam ang name nila kaya Maidosa na lang ang itatawag ko sa kanila.
Maid + Chismosa = Maidosa! Pak! Ang galing galing galing ko talaga! Palakpakan! Btw, Back to the topic.
Napataas naman ang isa kong kilay sa narinig. 'Yon? Gwapo? Saan banda?
"Oo nga. Nagda-dasal talaga ako na sana kapareho sa mga Wattpad books ang kapalaran namin. Alam mo 'yon? 'Yung nagkatuluyan ang Maid at ang kan'yang Boss. Ang gwapo niya kasi!" Kinikilig at nangangarap na sagot na ni Maidosa #2.
Teka lang ha, hindi ko na nagugustuhan ang mga naririnig ko. Lumapit ako sa kanila at nagsalita.
"Sino ang gwapo? 'Yung lalaking 'yon? E, ang panget panget niya nga e! Mas gwapo pa sa kanya 'yung aso namin." Pagmamayabang ko.
Napatingin naman sa akin ang dalawang maid na para bang galing ako sa planetang mars.
"Bakit?" Inosente kong tanong.
An'yari dito sa kanila? Iba ang tingin e.
"Anong panget? Halos lahat kaming mga maid dito ay pinapangarap siya. Tapos, ikaw lang ang kauna-unahang maid na nagsabi na panget ang Señorito." Bumaling siya sa kausap niya kanina at bumulong na narinig ko naman. "Malabo yata mata niya bes." At sabay silang nagtawanan.
Okay lang na sabihan ako na malabo ang mata ko pero 'yung tinawag akong maid?! Hindi na pwede 'yon! Mukha ba akong maid?! MUKHA BA?! Ang ganda ganda ko kaya tapos tatawagin lang akong maid?! Arghh!
Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko habang nakatitig sa dalawang likuran na papalayo sa akin. Humanda kayo sa akin! Lintek lang ang walang ganti! Kainis!
"Samantha, What are you doing here? Aren't you gonna eat?" Biglang tanong ng kakasulpot lang na si Skyunggoy.
"Ewan ko sa'yo!" Badtrip kong singhal sa kanya at pumasok sa kung saan siya pumasok kanina. Badtrip pa rin ako!
Pagpasok ko doon, nakita ko ang dalawang mag asawa na masayang nag uusap. Sana all! Parents yata sila ni Skyunggoy.
Si Mrs. Tariff ang unang nakapansin sa akin.
"Oh, hi. You must be Samantha Alession Salvador. Am i right?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"No, you are left."
Gusto ko sanang isagot 'yan pero 'wag na lang. Tinamaan ako ng hiya.
"Yes po." Magalang kong sagot rito.
Agad namang nagliwanag ang mga mata niya.
"There you are! My son's always tel—"
"MOM!" Singit ni Sky sa usapan namin.
Inirapan ko siya.
"Epal." Bulong ko na narinig niya pero hindi niya pinansin.Bumaling ako kay Mrs. Tariff at kimi na ngumiti.
"Ano po 'yon?"
She shakes her head as if something hits her.
"Nothing, darlin'." Nakangiting sagot niya. I just nodded and darted my sight on Mr. Tariff who's been quiet since i, we're here."Good Evening, Mr. Tariff." I greeted and luckily, he greeted back. Akala ko mapapahiya ako. Mukha pa naman siyang istrikto.
"Good Evening too, Samantha Alession Salvador Tariff."
"Dad! Please, Stop!"
I blushed.
"Ganda naman po ng biro niyo, Tito. Baka totoohanin ko po 'yan at mapakasalan ko ang anak niyo ng urada urada."
His Mom laughed. Sana all mahinhin tumawa. Samantalang ako, Nvm.
"Maupo na nga kayo. Kanina pa kayo nakatayo d'yan. Haha."
Agad akong umupo at tumingin sa mga pagkain. Bakit ba? Gutom ako e. */Pout.
"Btw, Hija."
Napabaling ang tingin ko kay Mrs. Tariff mula sa pagkain.
"Po?"
"Oo nga pala, I forgot to introduce my self. How unprofessional i am. I'm Claire Murphy Tariff. Sky's Mother." She then offer her hand.
"Nice to meet you po, Mrs. Tariff." Turan ko sa kanya at bumitaw sa pagkakahawak.
"Don't call Mrs. Tariff, Samantha. Mommy will do." Masayang saad niya sa akin.
"Clarence Tariff. Sky's Father. Dad will do." Singit ni D-dad.
Namumula naman akong ngumiti sa kanila.
"S-sige po."
Ngumiti sila na nagpangiti sa akin lalo.
"Manang, Paki-serve po ng mga pagkain please." Magalang na utos ni Mommy Claire.
Agad din namang nagsi-sunuran ang iba at dinala ang mga pagkain sa lamesa. Bumalik ang inis sa mukha ko nang makita ko 'yung maid na tinawag akong 'maid'.
Pero nag init talaga ang ulo ko dahil sa pasimpleng hinawakan ni Maidosa ang mga braso ni Sky.Napangiti ako nang malapad dahil may naisip akong plano.
Time for revenge. */Ginaya tawa ni Nanno.-
Woahhhh! Wait, teka lang. Para sa mga old readers/Flights ko d'yan, Binago ko po ang chapter na 'to. Hehe.
What do you think abt this chapter? Share your thoughts naman! Para kang others. HAHAHAHAHAHA. Comment lang o Pm. Jk. HAHAHAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...