CHAPTER 32

7.1K 249 8
                                    

S A M A N T H A

"Oh, Anong ginagawa niyo dito?" Mataray kong tanong.

Tumayo naman si Sky. He's in badmood. As i can see.

"Where did you go?" Tanong niya.

"Why do you care?" Balik na tanong ko.

"ANSWER MY FUCKING QUESTION SAMANTHA! WHERE THE FUCK DID YOU GO?!"

Aba! At siya pa ang may ganang magalit! Atsaka, saan ba sina Kuya?!

"Ano bang pakialam mo?! Bakit ka ba nagagalit?!" Inis kong bulyaw sa kanya.

Sasagot pa sana si Sky nang magsalita ang bruha. Tsk.

"Sky, tama na." Awat ng bruha.

Nakikita ko namang kumalma si Sky. Tch. So gano'n? Dito pa talaga sa harapan ko naglalandian?

Umalis na lang ako do'n sa harap nila at umakyat papuntang kwarto. Narinig ko pa nga na tinawag ako ni Sky. Tch!

Hindi ko na s'ya pinansin at diretsong pumasok sa loob ng kwarto ko.

Hayy, saklap naman ng buhay ko!

Kinuha ko na lang ang unan ko at do'n ibinuhos ang sama ng loob.

Bakit mo ako niloko, Sky?! Akala ko ba ako lang?! Hindi ka na ba talga makapaghintay kaya humanap ka na ng iba? Hindi mo na ba ako kayang hintayin?? 'Yon na eh, sasagutin na sana kita dahil akala ko seryoso ka sa akin. 'Yonpala hindi! Pafall ka, Sky!akala ko....akala ko...aaaaaah! Bwesit ka! Letse! Gago! Tngina!

'Toktoktok!'

"Lil sis, bumaba ka na at ipapakilala ni Sky si Venice sa'yo!" Rinig kong saad ni Kuya.
"Nakahanda na din ang hapunan." Dagdag niya.

"Hindi ako gutom kuya!" Saad ko.

Narinig ko naman s'yang may kausap.

"Samantha?"

"'Di nga ako gutom Kuya!"

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

"Ang kulit mo naman, Kuya eh! Sabi ng hin—" Naputol ang sasabihin ko nang may sumambat.

"Samantha," Boses ng babae. Teka, kelan pa naging boses babae si Kuya?!

Napabangon agad ako at tumingin sa harapan. Si ano! 'Yung babae! 'Yung Venice raw!

"Venice?!" Gulat kong ani

Ngumiti naman siya.
"Bumaba ka na, Samantha."

Umiling ako.

"Hahaha, don't be jealous." Sabi nito.

"Ako? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos?" Kunot noong tanong ko.

Natawa naman s'ya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"I'm his cousin. Venice Lae Santiago is the name"Nakangiting pakilala niya na nagpatulala sa akin.

"SANTIAGO?!" Gulat kong sigaw.

My god!

Tumango naman siya.
"Yes, kaya tama na ang pagseselos."

Agad akong namula sa hiya.
"D-di ako n-nagseselos 'no!" Depensa ko sa sarili.

"You can't fool me. Hahaha! Tara na nga sa baba. Kanina pa naghihintay sina Sky doon." Aya niya.

"Mauna ka na, Venice! Mag aayos muna ako." Nahihiyang ani ko sa kanya.

"H'wag ka nang mag ayos, maganda ka naman eh." Napaiwas ako ng tingin. Eh, sa nahihiya ako sa kanya eh!

"Baba na. Sunod ako, Promise! Shooo! shooo!" Taboy ko sa kanya.

Umalis na s'ya kaya dali dali akong pumunta sa cr para tingnan ang sarili.

Oh shet! Nakakahiyaaaaa! Ang panget ko! Mugto ang mga mata at ang pulaaa! Ang pula din ng ilong koo!Kakahiya.

Tinapos ko na ang kailangan kong tapusin. Wao, parang may pinatay lang!

Makababa na nga lang. Pagbaba ko nakita ko si Sky sa sala na mukhang inaantay ako.

Naglakad s'ya papunta saakin ng makita akong nakababa na.

"Let's go." Malamig niyang saad at naunang naglakad papuntang dining room. Galit pa yata.

Tahimik lang akong naglalakad sa likuran niya.  Nakatulala akong nakatingin sa likod niya kaya hindi ko namalayan na tumigil sya sa paglalakad dahilan upang mabunggo ako.

"Ouch, sakit ng noo ko." Bulong ko sabay hawak.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Nandito rin pala si Ate Joanna.

Tahimik lang kami no'ng una nang magsalita si Kuya.

"Sis, diba ngayong linggo na ang graduation natin?" Tanong niya.

"Uhm..oo nga pala." Sagot ko. Napansin ko pa ang magkahulugang tingin ni Kuya at Sky bago ako nagpatuloy sa pagkain.

Tahimik lang naman sina Venice at Ate Joanna hanggang sa matapos kaming kumain.

The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon