S A M A N T H A
"A-aray! Ano ba! Let me go!" Sigaw ko na nagpakuha ng maraming atensyon kabilang na roon sina Kuya.
Tumakbo agad si Kuya patungo saakin.
"Mang aagaw ka! Ang landi mo! Nilandi mo ang may jowa na!" Pagsisigaw ni Left sabay sampal saakin ng malakas kaya napasinghap ang buong tao.
Pwersahan kong kinuha ang kamay ni mula sa buhok ko.
"Wala akong inagaw! Dahil una pa lang, ako na ang mahal ni Sammien!"
Totoo naman ah. Ako naman talaga ang una niyang minahal dahil kapatid niya ako. At dahil doon, nakatanggap ulit ako ng sampal. Ouch.
Okay, that's enough! Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko kaya itutulak ko na dapat s'ya nang may naunang tumulak sa kanya.
Pagtingin ko ay si Kuya pala ang tumulak kay Left. Dali dali namang itinayo ni Lance si Left. Okay, ang weird ng tawag ko sa kanila.
At si Kuya naman ay pumunta saakin sabay tingin sa pisngi ko.
"Patay ako kay Mommg nito." Rinig kong bulong niya. Hala, oo nga pala. Ayaw na ayaw ni Mommy na masugatan ako dahil baka daw maging peklat. Patay na.
"Ikaw! Malandi ka! Nilandi mo si Sammien!" Galit na galit na sigaw ni Left. Nagsinghapan naman ang mga tao at ang Section Black at sina Aubrey ay nagpipigil ng tawa.
"Sheena, tama na 'yan. Ano bang sinasabi mo?" Mahinahong tanong ni Lance kay Sheena pala.
Ang tahimik ng mga tao sa court parang naghihintay sa susunod pang mangyayari.
"Anong pinagsasabi ko?! Malandi 'yang babaeng 'yan! Seniduce n'ya si Sammien para maging asawa niya at makuha ang lahat nitong pera!" Nangbibintang nitong sigaw.
Mas lalong umiyak si Joanna.
Patay na ako nito. Humarap naman si kuya saakin na may masamang tingin kaya nag iwas ako at tiningnan ag buong Section Black para manghingi ng tulong pero ang mga gago iniwasan lang ako ng tingin.
Kina Aubrey at Xavier na lang ako tumingin kaya lang binigyan lang nila ako ng tingin na 'Ayusin-mo-'yan-look' kaya yumuko na lang ako sa harap ni kuya.
Grabe ang tahimik. Pakiramdam ko maririnig na nila ang tibok ng puso ko.
"ANONG GINAGAWA MO SAMANTHA ALESSION?!" Sigaw na tanong ni Kuya na dumagundong sa buong Court.
Patay, galit na s'ya basta sabihin na niya ang buong pangalan ko.
"A-ano, Kuya. Uhm.." Wala akong maisagot.
Nagsinghapan naman ang mga tao pati na din sina Sheena, Joanna at right na hindi ko alam ang pangalan ng marinig ang tinawag ko kay Kuya kaya lang mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.
Kaya ang ginawa ko, tumakbo ako papuntang pintuan ang kaso lang ay agad akong naharangan ng buong Section Black. Bwesit! Huhuhu, trap ako.
Huhuhu trap na ako. Sana pala hindi ko na ginawa yung kalokohan ko huhuhu.
Lumapit naman si Kuya sa akin.
"Anong ginawa mo?" Mahinahong tanong nito.
"Ano kuya...ano..ano 'yung ano...kasi nag ano s'ya kaya inano ko din." Nakayukong ano ko.
"Anong ano?!" Pikon nitong sigaw.
Natawa naman sina Aubrey at ang Section Black kaya sinamaan ko ito ng mga tingin.
"Ano...s-sinabi kong asawa kita. Hehe." Sabay peace sign.
Napabuntong hininga naman si Kuya atsaka hinarap ang buong tao sa gym.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
Teen Fiction[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...
![The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/240792211-64-k831847.jpg)