S A M A N T H A
"BAKIT KA SUMASAMA SA HINDI MO KILALANG LALAKI HA?! PA'NO KUNG MASAMANG TAO 'YUN?! TA'S KIKIDNAPIN KA?! TAPOS KUKUNIN LAMAN LOOB MO?! THEN IBEBENTA?! HA?! BA'T AYAW MONG SUMAGOT?! ANO?! " Sermon ni kuya saakin.
"Mahal, tama na 'yan. Ang Oa mo." Awat ni Ate.
"ANO?! BA'T HINDI KA SUMASAGOT?!"
"Kuya, paano ako sasagot kung pag NAgsasalita ako sumasambat ka?" Kalmado kong tanong sa kanya.
"At ngayon sumasagot ka na saakin?!" Naiinis na turan niya.
Napa-face palm ako.
Amputcha. Sabi niya kanina sumagot ako ta's ngayon nainis dahil sumagot ako?!"E, sabi mo kasi kanina sumagot ako kaya sumagot ako." Nakangusong sabi ko.
Mukha naman syang napahiya dahil kumalma sya at umupo.
"Sa susunod kasi Samantha, magpaalam ka ah? Nag alala lang kami sayo." Bilin ni Ate sa akin.
Maa lalo naman akong napanguso.
"Eh kasi ate, Na-boring ako sa classroom. Busy din sila kaya naisipan kong tawagan si mason." Nakanguso kong rason."Anong bang pinagkaabalahan niyo?" Tanong ko sa buong section black.
Nagsi-iwas naman sila ng tingin.
"Psh, e'di wag!""Hali na kayo at dito na kayo kumain." Yaya ni Ate.
Pumunta kami sa kusina at kumain.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa binasag ni hiro ang katahimikan, hindi na siguro kinaya ang katahimikan.
"Ba'tang tahimik niyo?" Tanong niya.
Walang sumagot.
"Hoy, ba't ang tahimik niyo?" Tanong niya ulit.
Nagkibit balikat lang sila.
'I like your eyes,
you look away when you pretend not to care,
i love the dimples in the corner of the smile that you wear~~'Napatingin naman sila saakin kaya agad kong kinuha ang cp ko at tiningnan kung sino ang tumawag.
'Mason calling...'
Tumingin muna ako sakanila.
"Excuse me." Sabay tayo."Hello, Mason?" Sagot ko sa tawag.
"Samantha, are you okay?"
Kumunot naman noo ko.
"Yes, why did you ask?""Uh, Nothing. I just want to check you if you're okay." Sagot niya.
"You?"
"Huh?"
"I mean, Are you okay?" Tanong ko.
"Yeah, I'm fine."
"Samantha! That's enough! tapusin mo na ang pagkain mo!" Sigaw ni kuya mula sa kusina.
'Pssh panira talaga si kuya.' Saad ko sa isip
"Oww, so you're eating? Sorry for disturbing you. I'll hang up now."
"Oh no, you're not disturbing me. Actually, patapos naman na ako sa pagkain." Turan ko which is true.
Natawa naman sya na animo'y may nakakatawa akong sinabi.
"HAHAHAHA! Okay. I'll hang up now, eatwell bye."
"Bye." Paalam ko at tinapos ang tawag
Bumalik na ako sa kusina at pinagpatuloy ang kain.
"Sammy, pupunta ka pa ba sa school?" Tanong ni kuya sa akin.
"Hindi na kuya, Magpapahinga na lang ako para sa graduation bukas."
Tumango naman siya at tinapos na ang pagkain sakto namang tapos na din ang iba.
"We have to go." Paalam ni kuya.
Tumango kami ng Ate Joanna hanggang sa umalis na sila.
"Ate, punta na ako sa kwarto." Paalam ko dahil baka may magwala na naman pag nawala ako.
"Oh, sige."
Pumunta ako sa kwarto ko at humiga.
Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakapagod. Makatulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Black [ COMPLETED ]
किशोर उपन्यास[ COMPLETED ] Paano kung may isang babae na napunta sa Section black? Ang Section back ay isang Classroom na kung saan ay puro lalaki lahat ang nandirito. Nandito din ang mga basagulero, matatalino, gwapo at badboys. At syempre, ang ating babaeng bi...