Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04EPISODE 1 (2/4)
MEW
Simula noon, naging magkaibigan na kami nina Gab at AJ. Kahit patuloy na umiiwas sa akin si Tom, gayunpaman pinipilit pa rin ni Gab na makuha muli ang loob nito. Ayaw niyang mauwi sa wala ang dati naming samahan.
Naalala ko, si Tom ang kaibigan na handa kang ipaglaban sa lahat ng oras. Hindi ka niya iiwan sa oras ng kagipitan.
Kahit kailan, di ko makakalimutan ang ginawang pagtanggol niya sa akin noon. Naging biktima kasi ako ng bullying sa aming paaralan. Sa mga oras na nabu-bully ako ay siya ang laging tagapagtanggol ko. Minsan nga nakipagsuntukan pa ito sa ibang estudyante. Kaya iyon ang pinanghahawakan ko na muling magkakabati kaming dalawa. Alam kong mabuting tao si Tom.
Nagtipon-tipon ang lahat ng mga engineering students sa gym. Nextweek kasi magkakaroon kami ng Sport's Day. Mag co-compete-compete ang bawat faculty sa aming university.
Ito na ang hinihintay naming apat, ang makapaglaro ng volleyball para sa Faculty of Engineering.
Subalit isa sa mga highlights ng nasabing event ay ang gaganaping Search for Moon and Star 2017. Ito ay para sa mga freshmen students lamang. Kailangang pumili ng isang lalaki at babae ang bawat faculty na siyang mag re-representa ng kanilang department.
"Good morning everyone. Sa araw na ito, mag o-organize tayo ng ating team para sa Sport's Day na gagawin nextweek." wika ng presidente ng Faculty of Engineering. "So, ang bawat event o games ay mayroon nang naka-assign na siyang pipili ng mga manlalaro. Pero ang pinakahahandaan nating lahat ay ang gagawing Moon and Star 2017. Pipili tayo ng isang napakagandang estudyante at napakaguwapong estudyante mula sa mga freshmen. Pwede kayong mag nominate ng gusto ninyong pambato. Bukas malalaman natin kung sino ang mag represent ng ating faculty base sa inyong nominasyon."
Napansin kong biglang nag-ingay ang lahat. May kaniya-kaniya na silang napili.
Maugong na lumabas ang pangalan namin ni Tom. Tuloy hindi ko maiwasang hindi mag-alala dahil tila pagtatapatin na naman kaming dalawa.
Anyway, hindi na bago iyon para sa aming dalawa. Simula pa noong high school ay lagi ng kaming pinagtatapat. Sa aming dalawa lang umiikot ang bawat competition na sasalihan sa aming lebel at maging sa buong paaralan. Mapa academic, curricular ay laging present ang aming pangalan.
Tinginan kami ni Tom sa kalayuan. Medyo malayo kasi ang aming distansiya sa isa't isa ngayon. Magkasama kami nina Gab at AJ samantalang si Fai naman ang kasama ni Tom, ang bagong kaibigan niya.
"Okay! May napili na ba kayong Moon and Star? tanong ng presidente.
"Yes!" biglang sagot ng isang lady boy na nasa likurang bahagi naming tatlo. "I highly nominate Mew Kasidej from engineering class 1." Sabi pa nito na ikinagulat ko.
"Huh? Bakit ako?" biglang tanong ko sa nag nominate sa akin.
"Ano ka ba, Mew? bagay sa'yo ang maging moon. Sobrang guwapo mo at saka sigudaro ako mananalo ka." sabi ng lady boy student habang may pahawak pa ito sa aking balikat.
"Oo nga, Mew. Bagay sa'yo ang maging moon." sang-ayon naman ni AJ na suportado ang nominasyong ginawa sa akin.
"Di ko kaya 'yan." tutol ko na ayaw tanggapin ang nominasyon.
"Hey, Mew!" si Gab at sabay akbay sa akin. "Anong hindi mo kaya? Kayong dalawa ni Tom ang laging pambato ng school natin dati sa mga ganitong contest eh. Tanggapin mo na. I'm sure, mananalo ka."
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...