Title: SET The Series (BL)
Author: Monlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlght04
EPISODE 9 (4/4)GAB
Ngayon araw ang kaarawan ko. Gaya nang ipinangako ko kay Mommy, ngayon ko ipapakilala si AJ sa kanila.
Inimbitahan ko rin ang mga malalapit kong kaibigan at maging ang mga kasamahan ko sa team. Pati si Ohm ay inimbita ko na rin.
"Happy birthday!" malambing na bati sa akin ni AJ. Actually, siya ang dahilan ng lahat ng mga ngiti ko ngayon sa labi.
"Salamat." nakangiting tugon ko sa kaniya. "Wala bang kiss?" pagkuwa'y pabirong tanong ko at bahagya ko pang inilapit sa kaniya ang aking pisngi.
Pabiro niya akong sinuntok sa dibdib.
"Ang daming tao." nakangisi niyang sabi pero kita ko naman sa expression ng kaniyang mukha na kinilig din siya sa hirit ko.
"Aww! Nahihiya ka pala?" nagtatampo ang aking boses.
"Ai'Gab, alam mo naman, di ba? Bakit pala? Okay lang sa'yo na may makakita sa atin?"
"Oo naman! Wala akong pakialam. In-love ako eh"
"Eh paano ang family mo?"
"Alam na nila ang tungkol sa atin. Ipapakilala nga kita sa kanila ngayon eh."
"Huh! Hindi ba nakakahiya 'yon?" gulat niyang saad.
"Ikaw 'ata ang hindi pa handa eh." kunwari biglang malungkot kong sabi.
"Pero - ." hindi na natapos ang kaniyang sasabihin.
"Mahal mo ba ako?" pagkuwa'y nakasimangot kong tanong dito.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Mahal mo ba ako?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Oo naman!" agad niyang sagot.
"So, hindi mo kailangang mahiya. Ipapakilala kita sa family ko."
"Are you sure?" nag-aalala ang kaniyang tinig. Alam kong nabigla lamang siya.
"Umm! Gusto kong patunayan sa'yo na seryoso ako sa'yo." biglang nagseryoso ang aking tinig. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at pagkuwa'y kinuha ko ang kaniyang mga kamay. "Mahal kita at handa akong patunayan 'yon."
Biglang gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Mahal din kita." pagkuwa'y tugon niya.
Hawak kamay kaming lumapit kina Mommy, Daddy at Kuya.
"Mom, Dad, P'Max." sabi ko paglapit namin sa kanila. "Gusto kong ipakilala sa inyo si AJ, boyfriend ko." medyo nahihiya ng kaunti ang boses ko ngayon. "AJ, sila ang parents ko at ang Kuya ko."
Nakita kong halos namula ang pisngi ni AJ. Alam kong nahihiya siya at hindi niya inaasahan ang tagpong ito. Bahagya kong pinisil ang kaniyang kamay para pakalmahin siya ng kaunti.
"H-Hello po." nauutal niyang bati sa parents at sa Kuya ko.
Sina Mom at Dad ay bigla siyang nginitian.
"Ikaw pala ang kinukuwento ng anak namin. Matagal ka na naming gustong makilala." nakangiting wika ni Mommy.
"Napakaguwapong bata. Kaya naman pala nabihag mo ang puso ng bunso ko." natatawang wika naman ni Dad.
Saglit na ngumiti si AJ sa kanila at pagkatapos ay napatingin sa akin.
"So, paano 'yan, welcome to the family." masayang sabi naman ni P'Max sa kaniya. Hmmm...hindi ko inaasahan ito sa kaniya ngayon.
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Подростковая литератураTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...