Episode 2 (2/4)

166 11 0
                                        

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                            
EPISODE 2 (2/4)

MEW

Simula nang ma-trending ang post ni Gab, hindi na mapigilan ang mga spekulasyon ukol sa napapabalitang closeness naming dalawa ni AJ. May mga nagsasabi pang real-life couple raw kaming dalawa.

Gayunpaman, hindi naapektuhan ang aming pagkakaibigan. Mas lalo pang naging malapit kami sa isa’t isa ngayon. Kaya mas lalong naniwala ang lahat sa napapabalitang relasyon naming dalawa.

Sabay kaming pumasok sa unibersidad. Halos lahat nakatingin sa aming dalawa. Minsan nga may mga nagtitilian pang mga grupo ng mag-aaral kapag dumaraan kami sa kanilang harapan. Hindi ko alam kung bakit nila naiisip na may relasyon kami ni AJ. Tuloy nagmumukha kaming loveteam ngayon ng isang pelikula.

Sabay lang kami sa agos. Balewala lang din sa amin ang mga bagay na iyon. Ang alam kasi namin ay magkaibigan lang kami at iyon ang sigurado. Kaya walang rason na magbago ang aming samahan.

“Okay lang ba sa'yo na pinag-uusapan tayo?” tanong sa akin ni AJ habang papunta kami ng gym.

“Oo naman! Hindi naman big deal sa akin ‘yon.” agad kong sagot sa kaniyang tanong.

Tama! Hindi nga big deal ang isyung ‘yon sa aming dalawa. Wala rin akong pakialam kung anong sasabihin ng iba. Ang alam ko, magkaibigan kami ni AJ at ‘yon ang mas mahalaga para sa akin.

“How about you? Okay lang ba sa'yo na pinag-uusapan tayo?” pagkuwa’y tanong ko naman sa kaniya.

“Wala namang problema sa akin ‘yon. Hindi rin big deal sa akin ‘yon. Anyway, hindi naman ‘yon totoo, di ba? So bakit kailangan nating mag worry doon?” sagot niya sa tanong ko.

Well, happy din akong malaman na okay lang sa kaniya ang ganoong usapin. Tama siya! Di namin kailangang mag worry. Isipin na ng lahat ang gusto nilang isipin. Basta kami, magkaibigan kami at hindi ‘yon masisira ng kahit anumang isyung ibinabato sa amin.

TOM

Sabay kaming pumasok ni Peach ngayon. Habang naglalakad kami sa lobby ay bigla kaming napatigil sa aming paglakad nang marinig namin ang usapan ng grupo ng mga estudyante.

“Uyyy, ang gwapo talaga nina Mew at AJ.” sabi ng isang estudyante.

“Bagay talaga sila. Number 1 fan nila ako.” sabi naman ng isa pang estudyante tapos sabay tili.

“Alam ninyo guys, sikat na sila masyado sa facebook, IG. Dami nilang likes at daming shares ng kanilang mga pictures.” biglang sagot naman ng isa.

Nagkatinginan lamang kami ni Peach nang marinig namin iyon. Pagkuwa’y nagpatuloy kami sa paglakad. Hinatid ko siya sa kanilang faculty at pagkatapos ay bumalik din ako sa aming building. Dumiretso ako sa aming classroom.

Nadatnan kong nagkukuwentuhan sina Mew at AJ. Pansamantala akong napatigil sa pintuan. Pinagmasdan ko silang dalawa.

Bigla kong naalala ang kuwentuhan ng mga estudyante kanina sa lobby.

“Sila na ba?” tanong ko sa aking sarili.

Tama! Kahit sino ay mapagkakamalang real life couple silang dalawa. Sobrang sweet kasi nila sa isa’t isa. Si Mew, halatang masaya habang kasama niya si AJ. Samantalang sobrang saya naman ni AJ na kasama siya. Halos di na sila mapaghihiwalay ngayon.

“Tom!” si Fai na kararating lamang. “May relasyon ba sina AJ at Mew?” tanong nito.

“E-Ewan ko! Di ko alam.” kibit-balikat kong sagot.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon