Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 3 (1/4)TOM
Ikatlong araw na ng Sport's Day. Makakalaban namin ang Faculty of Fine Arts.
Sampung minuto na lamang bago magsisimula ang laro ngunit napansin kung wala pa rin si Mew hanggang ngayon. Kita kong nag-aalala na sina Gab at AJ. Hindi ko man pinapahalata ngunit ramdam kong nag-aalala rin ako sa kaniya.
"Coach, bakit wala pa rin si Mew?" tanong ni Gab kay Coach Tai.
"Ewan, di rin naman siya nagtext." sagot ni coach na tila di lang naman nagagalit.
"Nag text ba sa'yo si Mew?" tanong naman ni Gab kay AJ.
"Wala rin." agad na sagot ni AJ.
Napatingin sa akin si Gab. Nagbabalak na tanungin ako ngunit biglang kumunot ang aking noo kaya di na niya naituloy ang pagtatanong nito.
Panay ang tingin nilang dalawa ni AJ sa pintuan ng gym. Samantalang ipinagpatuloy ko naman ang pag-iinsayo.
Naisip ko, hindi puwedeng wala si Mew ngayon dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa aming koponan.
THIRD PERSON
Oras na para sa set 1, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Mew. Si Joss muna ang pumasok bilang pamalit nito sa first six.
Walang pagbabago sa spike ni Tom. Pumupuntos na siya sa unang set pa lang. Subalit kapansin-pansin ang performance ni AJ dahil nagkakaroon siya ng mga error attacks. Di rin gumana ang mga middle attacks ni Korn. Tuloy talo ang team nila sa unang set sa score na 25 - 18. Mayroon lamang silang 7 attacks, 2 blocks, 2 aces. Ngunit ang masama ay mayroon silang 10 unforced errors.
Bago nagsimula ang set 2 ay dumating na si Mew. Nagmamadali ito at humingi ng sorry lalo na sa kanilang coach. Gayunpaman ay di ito pinagalitan ni Coach Tai.
Dahil sa pagdating ni Mew ay kapansin-pansin ang biglang pagbalik ng sigla ni AJ. Klarong hinihintay niya ito kanina pa.
Set 2 na. Nasa loob na ng court si Mew. Maingay na naman ang buong gym. Hiyawan at tilian na naman ang mga manonood ngayon. Subalit, tila hindi pa rin maganda ang performance nito. Nagkaka-error ito sa kaniyang mga atake.
Agad na napa timeout si Coach Tai dahil lamang na ang kanilang kalaban...5 - 1.
"Boys, kailangan natin ng magandang receive. Mew, relax..okay?" sabi ni Coach Tai sa kaniyang mga manlalaro. "Gab, try natin ang combination play." dagdag pa nito.
"Yes, coach." mabilis na tugon ni Gab.
Si Tom, tiningnan si Mew na tila naiinis.
Pansin iyon lahat ni Mew. Sinubukan niyang makabawi. Sa tulong nina AJ at Korn, nagco-combination play sila. Nakakapasok naman ang mga palo nito subalit error pa rin ang kaniyang mga back row attacks.
Binibigyan siya ni Gab ng bola para bumalik ang confidence nito subalit di nito na co-convert sa points at sa halip ay nauuwi ito sa mga errors.
Bagay na kinainis ni Tom.
"Kung wala kang plano na manalo sa laban na ito, puwes kami mayroon. Kaya puwede ba, ayusin mo naman ang laro mo." galit na sabi nito kay Mew.
"Tom, ano ba?" saway ni Gab sa kaniya.
"Err..kaya ganiyan yan kasi kinakampihan ninyo."
"Tom, puwede ba tama na 'yan."galit na sabi ni AJ.
"Bakit, totoo naman eh. Palibhasa kasi pasikat lang kayong dalawa dito. Tinitilian kayo kaya okay na sa'yo na nagkakamali itong loveteam mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/243326500-288-k656183.jpg)
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...