Episode 5 (1/4)

118 4 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04


EPISODE 5 (1/4)

MEW

Nagising akong nasa tabi ko si Tom. Labis akong nagulat nang makita ko siya. Napatingin ako sa kaniya habang natutulog. Hanggang naalala ko ang mga nangyari kagabi.

Ang pagyakap at ang pagbuhat niya sa akin. Maging ang pagpunas nito sa aking katawan. Kahit lasing ako, naalala ko lahat iyon.

Tatayo na sana ako nang bigla siyang nagising.

"Mew!" tawag niya sa aking pangalan at sabay hawak sa aking kamay.

Napalingon ako sa kaniya.

"Bakit di mo sinabi sa akin lahat ng tungkol sa'yo?" biglang tanong niya na ang nais tukuyin ay ang aking totoong buhay.

"Para ano? Para kaawaan mo ako? Bakit Tom, kapag nalaman mo ba lahat, hindi ka na magagalit sa akin sa pag-amin ni Peach na gusto niya ako? Magpaparaya ka ba?"

"Puwede ba, Mew, huwag nating isali si Peach dito? Isyu natin 'to." pagkuwa'y sabi niya.

"Si Peach naman ang simula ng lahat ng ito, di ba? Nagalit ka sa akin dahil sinabi niyang gusto niya ako. Tapos ngayon sasabihin mong huwag natin siyang isali rito? Tom, gusto kong sabihin sa'yo, wala akong gusto sa kaniya. Sa'yong-sa'yo siya. Kaya puwede ba, tanggalin mo na yang paniniwala mong inagawan kita dahil ang totoo hindi kita inagawan at kahit kailan wala akong inagaw sa:yo"

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Siya nga pala, salamat pala kagabi. Sige, alis na ako." agad kong paalam sa kaniya at pagkuwa'y dali-dali akong lumabas mula sa kanilang silid.

Dumiretso ako sa cottage kung saan naroon si P'Korn habang nagkakape.

"Good morning, P'." agad kong bati sa kaniya paglapit ko.

"Good morning, Nong." tugon naman niya sa akin. "Musta ang pakiramdam mo?"

Napahawak ako sa aking ulo.

"Sorry, P', nalasing ako kagabi." nahihiya kong wika.

"It's alright, Nong." si P'Korn tapos biglang ngumiti. "Oh ito, inumin mo 'to." sabi pa niya at sabay abot sa akin ng isang tasa ng kape.

"Salamat, P'." ani ko at sabay higop sa kapeng bigay niya.

Ilang sandali lang ay dumating din si AJ. Nakita kong medyo matamlay siya ngayon.

"Good morning, P'...Good morning. Mew." bungad niyang bati sa amin, matamlay ang kaniyang boses.

"Good morning." sagot ni P'Korn samantalang ngumiti lamang ako sa kaniya.

"Mew, sorry talaga kagabi huh. Di kita nasamahan." pagkuwa'y sabi niya sa akin.

"Mai bpen rai." agap kong tugon.

"Okay ka lang, Nong?" tanong ni P'Korn kay AJ. "Lasing ka rin kagabi."

"S-Sorry, P'." si AJ na tila nahihiya sa mga nangyari.

Tumawa si P'Korn.

"Okay lang N'AJ. Wala namang naging problema eh. Nag-alala lang ako kasi mukhang di kayo sanay uminom ng alak."

Nagkatinginan kami ni AJ. Sang-ayon naman kami sa sinabi ni P'Korn.

"P', sorry huh." sabi ko ulit na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin.

"N'Mew...no problem."

Pagkatapos naming mag-agahan ay nagkaroon na naman kami ng mga activities. This time, magkasama na kami ni AJ sa isang grupo.. Hindi ko pinapansin si Tom at kahit tingnan siya ay hindi ko rin ginawa.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon