Episode 6 (1/4)

112 4 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Mooight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04


EPISODE 6 (1/4)

MEW

Sa bahay nina Tom muna ako umuwi ngayon. Ayaw ko rin naman sana dahil nahihiya ako subalit naging mapilit ito lalo na si Aunty.

Dumiretso agad kami sa kaniyang kuwarto. Nagpahanda rin siya ng aming makakain. Siya rin ang nag-ayos ng lahat ng gamit ko.

Ilang buwan na ring hindi ako nakakapasok sa kaniyang silid simula noong nagalit siya sa akin. Namiss ko rin ang pumunta rito. Minsan kasi dito rin ako natutulog noon lalo na pag malapit na ang aming exam at may mga proyekto kaming gagawin.

"Mew, gutom ka na?" tanong niya sa akin matapos niyang mailigpit ang lahat ng gamit ko.

"Hindi pa naman." sagot ko habang palingon-lingon ako sa loob ng kaniyang silid.

Napansin ko kasing may mga pagbabago sa arrangement nito ngayon.

"Sige, mag shower lang muna ako huh tapos sabay na tayong kakain." wika niya.

"Okay." tipid kong tugon.

Pagpasok niya ng banyo, ay nagkaroon ako ng pagkakataon na umikot-ikot sa loob ng kuwarto nito. May kalakihan kasi ang silid ni Tom. Nagulat ako nang makita ko ang isang regalo sa ibabaw ng kaniyang drawer. Tiningnan ko ito at laking gulat ko nang makita ko ang nakasulat sa isang card... "HAPPY BIRTHDAY, MEW."

"Para sa akin 'to?" naisaloob ko.

Bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan ko iyon. Akala ko nakalimutan niya ang kaarawan ko noon. Akala ko hindi niya naalala ang araw na 'yon.

Paglabas ni Tom ay agad niya akong nilapitan.

"Belated Happy Birthday." pagkuwa'y nakangiti nitong bati.

"Aww...tagal na 'yon." pasimple rin akong ngumiti sa kaniya.

"Oo nga! Pero binili ko 'yan two days before ng birthday mo. Ibibigay ko sana 'yan sa araw mismo ng kaarawan mo ngunit hindi tayo okay noon kaya nawalan ako ng pagkakataon na batiin ka at maibigay ang regalo ko sa'yo."

Nang marinig ko iyon ay lihim akong nasiyahan. Ibig sabihin, never niya nakalimutan ang kaarawan ko. To be honest, sobra akong naghintay na batiin niya ako noon. Di ako umaasa ng kahit ano galing sa kaniya, ang batiin lang niya ako ay sapat na para maramdaman kong espesyal ang araw na 'yon. Well, ika nga nila....it's better to be late than never.

"Salamat." pagkuwa'y nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Buksan mo!" utos niya sa akin.

Binuksan ko ang nasabing regalo. Nagulat ako nang makita ko ang laman nito. Isang pares ng mamahaling sapatos. Ito ang sapatos na matagal ko ng pangarap. Napatingin na lamang ako sa kaniya. Sobra akong na-touch sa mga sandaling ito. Di ko maipaliwanag ang kaligayahang nadarama ko ngayon. Hindi dahil natupad ang matagal ko ng pangarap na sapatos ngunit higit pa roon, naramdaman kong espesyal ako kay Tom. Parang gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Subalit natatakot ako sa posibleng maging resulta pag inamin ko ang lahat sa kaniya.

"Hindi 'yan kasing mahal ng gift ni AJ sa'yo." aniya na ang tinutukoy nito ay ang cellphone na regalo ni AJ sa akin.

"Gift nila 'to sakin ng Mommy niya." nakasimangot kong sabi sabay pakita sa kaniya ng cellphone. "Nahihiya nga ako nito eh. Ayaw ko ngang tanggapin sana 'to, kaso pinilit niya ako. Tapos hinandaan pa nila ako."

"Suwerte mo naman kay AJ."

"Magkaibigan lang kami." bigla kong sambit at tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon