Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 4 (4/4)
TOM
Pagkatapos naming maghapunan ay agad na nagsimula ang aming mga activities para sa aming team building. May mga palaro na kung saan made-develop ang aming unity.
Hinati kami sa dalawang grupo para sa isang beach volleyball match up game.
Sina Gab at AJ ay iisang grupo samantalang magkasama naman kami ni Mew sa isang grupo.
Nakita kong masayang naglalaro sina Gab at AJ. Samantalang kami ni Mew ay parang hindi kami magkakakilala sa loob ng court. Gayunpaman, nagpapakita pa rin kami ng aming galing sa paglalaro.
Subalit nang minsang mag spike si Mew ay na out balance siya dahilan para matumba ito.
Patakbo akong lumapit sa kaniya at tiningnan ang kaniyang paa. Pinunasan ko ng aking kamay ang mga buhanging nakadikit dito.
(Nabigla si Mew sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Tom sa kaniya. Napatingin na lamang siya sa dating kaibigan habang nililinis nito ang kaniyang paa. Samantalang napatulala na lamang si AJ habang nanonood sa kanilang dalawa. Hindi ito nakakilos para tulungan si Mew.)
Nagkatinginan kami ni Mew. Matagal! Napatulala kami pareho! Hindi ko alam pero bigla kong nakalimutan ang aming alitan. Wala akong ibang maramdaman ngayon maliban sa nag-alala ako sa kaniya. Tinulungan ko siyang makatayo ngunit dahil siguro sa masakit ang kaniyang paa ay natumba siya ulit. Naging mabilis ang aking pagtugon. Bigla ko siyang sinalo gamit ang dalawa kong kamay dahilan para matumba kaming dalawa.
Nasa ilalim niya ako samantalang nakapatong siya sa akin. Halos magkadikit ang aming mga mukha dahil ramdam ko ang mabango niyang hininga. Nagkatitigan kami at halos hindi kumurap ang aming mga mata.
(Nagulat ang lahat sa pangyayaring ‘yon.)
Biglang lumapit si AJ at tinulungan niyang makatayo si Mew. Binuhat nito ang kaibigan at dinala sa isang upuan.
Samantalang hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Agad akong pumunta ng banyo at naghugas ng aking mukha tapos humarap sa salamin. Tinitigan ko ang aking sarili at sabay hawak sa aking ulo at pagkuwa’y huminga ako ng malalim.
Pagkatapos ng eksenang ‘yon, mga 9:30 na ng gabi nang binigyan kami ng pagkakataon ni Coach Tai na makapag-bonding sa pamamagitan ng sharing session at kaunting inuman.
“Boys, malapit na ang kompetisyon natin. Kailangan nating maging buo. Hindi tayo mananalo kapag hiwa-hiwalay tayo. So anuman ang mga problema natin, away, alitan, at di pagkakaunawaan ay ayusin natin. Isang team tayo, dapat lalaban tayong isang team.” pahayag ni Coach Tai. Alam kong nais niyang tukuyin ang kalagayan namin ni Mew ngayon.
“Tama si coach. Kaya, hahatiin natin ang ating mga sarili sa dalawang grupo. Mag open forum tayo. Lahat ng mga bagay na bumabagabag sa atin ay ilabas natin. Lahat ng ating mga hinanakit ay sabihin natin. Kung may galit tayo sa ating kasama, sabihin natin. Dapat bago tayo babalik bukas, magiging okay na ang lahat.” pagpapaliwanag naman ni P’Korn.
Ang aming grupo ay pumunta malapit sa dalampasigan. May mga upuan kaming inihanda at naghanda rin kami ng bonfire kung saan mas magiging maayos ang ambiance. Naghanda rin ng kaunting inumin ang coaching staff para sukatin ang pag-uugali ng bawat isa.
Nagsimula na ang aming activity.
GAB
Sa aming grupo, naglaro kami ng truth or dare.
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
JugendliteraturTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...