Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 2 (1/4)TOM
Ngayong araw gagawin ang pictorials ng Moon and Star 2017. Kaniya-kaniyang suporta ang bawat faculty.
Todo suporta rin sa aming dalawa ni Nam ang aming faculty, ang Faculty of Engineering.
Kinakabahan man ako subalit di ko maikakaila na isa ako sa mga early bets. Bagay na lalong nagpapalakas sa aking loob para sungkutin ang korona.
Todo suporta sa akin si Fai. Si Gab ay halos di rin umalis sa aking tabi. Samantalang halos di ko naman nakikita si Mew.
Oo! Kahit di kami okay, inaamin ko hinahanap ko siya. Tila ba namimiss ko ang dating mayroon kami. Siya ang laging nasa tabi ko sa anumang laban na aking sasalihan. Lagi niyang pinapalakas ang loob ko at binibigyan ako ng inspirasyon dahilan para galingan ko ang bawat laban ko.
Subalit walang Mew akong nakikita ngayon. Walang Mew na hinahawakan ang kamay ko sa tuwing nanlalamig at nanginginig ito. Walang Mew na nagsasabing... Fighting!
"Woahh...ang gwapo natin ngayon huh." si Fai habang inaayos ang polo ko.
"Bola!" sambit ko.
Kinurot niya ang pisngi ko.
"Aww...ayaw maniwala? Tingnan mo, halos lahat nakatingin sa'yo." pagkuwa'y sabi niya. Agad ko namang inikot ang aking mga mata sa mga taong nandito ngayon.
"Tama at saka para kang artista nakiki-selfie sila sa'yo." dagdag naman ni Gab.
Magsisimula na ang pictorials at halos naroon na ang lahat ng mga contestants. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Peach.
"P-Peach?" nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.
"Hi, Tom!" nakangiting bati niya sa akin.
Sobrang napakaganda niya ngayon. Actually, halos matulala ako nang makita ko siya. Hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon. Ang alam ko, lumipat na siya sa ibang bansa.
Mas lalo akong nagulat nang malaman kong siya ang Star ng kanilang faculty. Ibig sabihin, dito rin siya nag-aaral. Wala akong alam na dito rin pala siya nag-enroll ngayon.
"Hey, Tom! Okay ka lang?" biglang tanong niya sa akin.
Halos di ako makapagsalita. Nakatulala pa rin ako habang nakakatitig sa kaniya.
"Ahh...o-oo." pagkuwa'y sambit ko nang matauhan ako. "Dito ka rin pala nag-aaral."
"Oo, medyo late na ako nag enroll dito. Nag decide kasi akong huwag na ituloy ang pagpunta ko ng England. Kaya dito na ako nag-aral."
Plano niya kasi noon na pagka-graduate namin ng high school ay susunod na siya sa kaniyang mga magulang sa England at doon na mag-aral.
Ngunit sabi niya, tatlong araw bago nagsimula ang klase ay nakapag desisyon siyang huwag nang ituloy ang plano. Mas pinili niyang dito na lang sa bansa ipagpatuloy ang kaniyang kolehiyo.
"Dito rin ba nag-aaral si Mew?" tanong niya sa akin.
Matagal bago ko nasagot ang kaniyang tanong.
"O-Oo..isang course lang kami." sagot ko.
"Ahhh...sabi ko na nga ba na kayo pa rin ang magkakasama. Nasaan siya ngayon?"
"Ahh..baka nandoon siya sa gym nagpa-practice ng volleyball."
"Ganoon ba? I'm sure, magkasama pa rin kayo ng team."
"Umm..isang team lang kami. Excused muna ako ngayon sa training dahil sa pictorials."
![](https://img.wattpad.com/cover/243326500-288-k656183.jpg)
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...