Episode 8 (2/4)

119 5 0
                                    


Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                               
EPISODE 8 (2/4)

MEW

Malalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nandito ako ngayon sa hardin habang nagpapahangin. Si Tom, bigla ko siyang naalala. Inaamin ko namimiss ko na siya. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita at ilang araw ko na ring hindi naririnig ang kaniyang boses.

Nagbitiw ako ng isang malalim na hininga habang nakatingin sa malayo.

Mayamaya ay lumapit sa akin si P’Korn.

“Mukhang ang lalim nang iniisip ah.” sabi niya at sabay upo sa tabi ko.

“May iniisip lang ako, P’.” biglang sagot ko. Pagkatapos isang malalim na hininga ulit ang pinakawalan ko.

“Si Tom ba?”

Napatingin ako sa kaniya.

“Umm!” matipid kong tugon. “Musta na kaya siya?”

“Siyempre hindi siya okay, Nong. Sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili kung bakit ka umalis. Alam mo, ang sama ng kaniyang nilaro noong last game natin. Sobra siyang affected sa nangyari. Pati sina Gab at AJ, ang sama rin ng kanilang naging performance.” wika ni P’Korn.

“Sorry talaga, P’. Dahil sa akin, natalo kayo.” malungkot kong wika. Hindi ko maiwasang ma-guilty sa huling talo namin. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit natalo ang aming team.

“Ano ka ba? Okay lang ‘yon. Ang mahalaga kayo ni Tom. Kailan mo ba siya balak kausapin?

Hindi agad ako tumugon sa naging tanong ni Kuya.

“Hindi ko alam, P’, eh. Hindi pa kasi ako handa na makita siya.”

“Nong, alam mo naaawa na ako sa kaniya. Halos hindi siya maka-concentrate sa lahat ng bagay. Lagi siyang tulala. Lagi siyang tahimik. Alam ko, sobra siyang nalungkot nang mawala ka.”

“Parang hindi naman ata, P’. Di ba dapat happy siya kasi wala ng disturbo sa kanilang dalawa ni Peach.”

“Nong, naging magkaibigan kayo sa loob ng mahabang panahon. Siguro naman mas importante ‘yong naging friendship ninyo kaysa kung anong namamagitan sa kanilang dalawa ni Peach.”

Natigilan ako sa sinabi ni P’Korn. Naisip ko, kunsabagay tama siya. Limang taon kaming naging magkaibigan at sa limang taon na ‘yon never kami nagkaroon ng alitan hanggang dumating si Peach sa buhay namin. Nagsimulang naging magulo ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Ilang sandali lang ay biglang nag ring ang aking cellphone. Si Tom ang tumatawag. Ngunit hindi ko kaagad ito sinagot at sa halip ay tiningnan ko lamang ito habang lumalabas ang kaniyang pangalan sa screen ng phone ko.

“Hindi mo ba sasagutin 'yan?” tanong sa akin ni P’Korm. “Kausapin mo siya. Sabihin mong okay ka lang.” dagdag na sabi niya.

“Hindi pa ako handa, P’, eh.”

Hinawakan ni P’Korn ang kamay ko.

“C’mmon, N’, huwag mong sayangin ang five years ninyong pagkakaibigan. Ayaw kong balang araw pagsisihan mo ang lahat ng ito.” aniya at pakuwa’y iniwan niya ako para bigyan kami ng pagkakataon ni Tom na makapag-usap.

Nakailang beses pang nag ring ang cellphone ko bago ko tuluyang sinagot ang tawag ni Tom.

“H-Hello!” utal kong sabi.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon