Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 4 (1/4)TOM
Maaga akong nagising ngayon. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagbukas ng aking facebook account.
Habang nagsa-scan ako ng aking newsfeeds ay nakita ko ang mga posts nina AJ at Mew kagabi. Nakita ko ang birthday celebration ni Mew sa bahay nina AJ. Bahagya akong natigilan habang tinitingnan ko ang kanilang mga larawan.
“Doon pala siya nag celebrate ng kaniyang birthday.” naisaloob ko.
Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang hindi nakasama si Mew sa kaniyang kaarawan. Ngayon lang din ako hindi nakabati at nakapagbigay ng regalo sa kaniya.
Actually, hindi ko nakalimutan na kaarawan niya kahapon. Gusto ko rin sana siyang batiin kaso lang parang wala akong lakas ng loob na gawin iyon.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ko. Si Mama ang tumatawag.
“Hello, Ma!” agad kong sabi nang sinagot ko ang tawag ni Mama.
“Hello, son. Musta ang gising mo?” tanong ni Mama sa kabilang linya.
“Okay lang naman, Ma. Miss na kita, Ma.”
“Miss you too, son. Good luck sa kompetisyon mo mamaya huh. Pasensya ka na kung di makapunta si Mama”
“Okay lang, Ma. Naiintindihan ko naman eh. Kailan pala ang uwi ninyo rito, Ma?”
“Next day, son. Mayroon pa akong pasyente na kailangang i-meet.”
“Ahh…mag-iingat kayo lagi, Ma. Wala ako riyan para alagaan ka at magtimpla ng kape mo.”
Actually, pag nasa bahay kami, usually ako ang nagtitimpla ng kape ni Mama. Minsan naging way ko narin ‘yon pag naglalambing ako sa kaniya lalo na kung may gusto akong hingin dito.
“Okay, son. Ikaw rin ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang magpapagutom.”
“Yes, Ma…I love you.”
“I love you too, son.” malambing na tugon ni Mama.
Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Mama ay agad din akong bumaba para kumain ng almusal. Mamayang hapon pa kasi ang search for Moon and Star. Ngunit kailangan kong maghanda ng mas maaga.
Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang aking cellphone. Nakita kong si Gab ang tumatawag.
“Hello, Gab!” pagkuwa’y sabi ko pagdampot ko ng telepono.
“Nakalimutan ko, Tom, birthday pala kahapon ni Mew.” wika nito sa kabilang linya.
“Umm. Doon siya nag birthday sa bahay nina AJ.”
“Kaya nga. Nakita ko ang mga posts nila kagabi. Pero nagi-guilty ako dahil hindi ko man lang siya nabati kahapon.”
“Ako rin naman eh. Hindi ko rin siya nabati pero hindi ko rin naman nakalimutan na kaarawan niya kahapon.”
“Aww! Eh bakit hindi mo siya binati?”
“Alam mo naman ang dahilan, di ba?”
“Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa kaniya?”
Huminga ako ng malalim.
“Hindi naman ako galit sa kaniya eh. Pero feeling ko hindi na kami gaya ng dati. Nahihiya na rin akong lumapit sa kaniya at sa tingin ko umiiwas na rin siya sa akin.”

BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...