Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 5 (4/4)
MEWDahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Kapagkuwan ay lumingon ako sa aking gilid at nakita ko si Tom na nakadapa sa aking kama habang natutulog.
“Tom.” mahinang gising ko sa kaniya.
Bigla siyang gumalaw at dahan-dahang nag-angat ng kaniyang ulo.
“Mew!” sambit niya nang makita niya ako. “Gising ka na pala. Musta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? Okay ka na ba?” sunud-sunod ang kaniyang mga tanong.
Daig pa ata niya ang imbestigador ngayon. At sa dami ng kaniyang mga tanong, di ko tuloy alam kung alin ang uunahin kong sagutin.
“Puwede isa-isa lang?”
Bahagya siyang tumawa.
“Excited lang akong makitang gising ka na.” sabi nito.
Lihim naman akong natuwa dahil sa sinabi niyang ‘yon.
Mayamaya ay pumasok si Aunty para i-check ako.
“Mew, puwede ka nang lumabas bukas.” sabi ni Aunty matapos niya akong suriin.
“Salamat, Aunty.” nakangiti kong tugon sa kaniya. Nahihiya ako dahil simula noon, siya lagi ang sumusuri sa akin sa tuwing nagkakasakit ako.
“Welcome…palakas ka. Tapos bukas doon ka muna sa bahay mag stay. Tom, ikaw na munang bahala sa kaibigan mo. May asikasuhin lang akong mga pasyente.” si Aunty at sabay tapik sa aking balikat.
“Okay, Ma.” mabilis na sagot ni Tom.
“Bakit doon ako mag stay sa inyo bukas?” nagtataka kong tanong kay Tom pagkatapos lumabas ng kaniyang Mama.
“Para may mag-alaga sa'yo.”
“Kaya ko nang alagaan sarili ko.”
“Anong kaya? Kagagaling mo lang sa sakit tapos kaya na agad.”
“Pero -.”
“Wala ng pero-pero.’ biglang putol nito sa sinabi ko. “Doon ka uuwi bukas sa bahay.” mapilit ang kaniyang boses.
Kumuha siya ng orange at tapos binalatan niya ito.
"Kainin mo 'to para lumakas ka kaagad." Aniya.
Wala naman akong ibang magawa kundi kainin ang orange na sinusubo niya sa akin.
Ilang sandali lang ay may biglang kumatok sa pinto. Bumukas ito at nakita naming pumasok si AJ.
“Hi, Mew! Gising ka na pala. Musta ka na?” anito paglapit sa amin.
Biglang tumayo si Tom at pagkuwa’y pumunta ito sa sofa at naupo.
“Okay lang ako.” sagot ko.
“Sorry kung ngayon lang ako huh.”
“Okay lang! Alam ko namang busy ka eh.”
“May dala ako para sa'yo, saka kinopyahan na rin kita ng mga lessons natin.” nakangiting wika niya.
“Salamat.”
“Basta ikaw!” aniya at sabay hawak sa aking ulo,
Nang sumulyap ako kay Tom ay nakita kong medyo nakasimangot ang kaniyang mukha habang pinagmamasdan niya kami. Hindi ko rin alam kung anong dahilan niya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/243326500-288-k656183.jpg)
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...