Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 2 (3/4)THIRD PERSON
Tatlong araw na lang, magsisimula na ang Sport's Day. Halos nakahanda at excited na ang lahat para sa taunang aktibidad.
Si Tom, halos nakahanda na rin para sa kaniyang laban. Nasa last day ng event gaganapin ang search for Moon and Star 2017. Kaya puwede pa siyang maglaro ng volleyball para sa Faculty of Engineering. Alam niyang, kakailanganin siya ng kanilang team.
Masyadong malakas ang team ng Engineering. Kahit bagong setter si Gab, maganda na ang koneksyon nito sa ibang manlalaro lalo na kina Mew at Tom. Sa katunayan, kasali sila sa first six ng kanilang team.
Samantala, mas lalong naging malapit sina Tom at Peach dahil sa search for Moon and Star. Lagi silang magkasama sa tuwing may mga insayo sila.
Sa kabilang dako, sina Mew, AJ at Gab naman ang laging magkasama. Sila ang laging babad sa training.
"Napakagaling ng bago nating players." minsang sabi ni Coach Tai kay Korn, ang team captain ng mens' volleyball team.
"Yes, coach! Sila ang future ng team natin. Parang hindi sila rookie kung maglaro." sang-ayon ni Korn sa sinabi ni Coach Tai.
Sobrang hanga siya sa apat. Subalit si Mew ang sobrang malapit sa kaniya. Unang araw pa lang kasi ng training, kay Mew na halos umiikot ang kaniyang atensyon. Aminado siyang humahanga siya sa kaniyang junior. Kaya sa tuwing nakikita niyang hindi ito okay ay to the rescue agad siya.
MEW
Magkasabay kaming lahat ngayon sa canteen. Kasama namin sina Fai at Peach.
Magkatabi sina Tom at Peach, sina Gab at Fai naman samantalang magkatabi naman kami ni AJ sa upuan.
Habang kumakain kami ay napansin kong sobrang sweet ni Tom kay Peach at halos panay ang sulyap nito sa dalaga.
"Mew, musta ka na?" pagkuwa'y tanong sa akin ni Peach.
"Ahh..O-Okay lang naman ako. Ikaw, musta ka naman?"
"Okay lang din." tapos ibinaling nito ang kaniyang tingin kay AJ. "Ikaw pala si AJ." aniya.
"Umm." si AJ at agad na ngumiti.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang.......
"Mew, may dumi ka sa mukha." sabi ni AJ at sabay kuha ng tissue at pinunasan nito ang dumi sa mukha ko.
Ngunit napansin kong napatigil ang lahat at napatingin sa aming dalawa.
Nakita ko rin ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Tom. Tila nainis siya dahil sa kaniyang nakita.
Agad na tumayo si Gab sa kaniyang kinauupuan.
"Bili lang ako ng maiinom." anito at sabay alis.
"Samahan na kita." sabi ni Fai tapos sabay tayo.
Nang tumingin ako kay Peach ay napansin kong tila hindi na siya apektado sa akin. Tuloy naisip ko na nakalimutan na niya ang tungkol sa aming dalawa noon. Marahil naka-move on na rin siya nang minsang tinanggihan ko siya noong nagtapat siya sa akin.
Si Tom na ba ang bago niyang gusto ngayon?
Well, wala pa namang confirmation mula sa kaniya. Hindi pa naman klaro ang status nilang dalawa. Basta ang alam ko, mas malapit sila ngayon sa isa't isa.
Pagdating sa amin ni AJ, balewala lang din sa amin ang mga bagay na iyon. Deadma kami kung ano man ang magiging reaksyon nila.
__________________________________________

BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...