Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad:jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 7 (3/4)MEW
Pagkatapos naming malaman ang lahat ay agad kaming umuwi ng Chiang Rai. Makikita ko na rin ang lugar kung saan ako isinilang at higit sa lahat, makikilala ko na rin ang aking buong pamilya. Ngunit habang nasa biyahe kami ay halos hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na tila natatakot.
"P', kinakabahan ako." sabi ko habang ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay.
"Nong, huwag kang kabahan. Nandito lang si Kuya." sabi ni P'Korn at sabay hawak sa kamay ko.
Ngumiti ako ng bahagya. Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid kaming dalawa. Oo, malapit na ako sa kaniya noon pa, pero ni minsan ay hindi ko inisip ito.
"Nong, simula ngayon hindi ka na puwedeng mawala sa paningin namin. Lagi na kitang babantayan. Ako ang magtatanggol sa'yo sa lahat. Wala nang puwedeng manakit sa'yo. Wala nang puwedeng kumuha sa'yo mula sa amin. Gagawin ko lahat maprotektahan ka lang." pahayag ni P'Korn.
Ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganoon. Buong buhay ko nangulila ako ng pagmamahal ng isang pamilya. Ngunit ngayon, nararamdaman ko na kung anong pakiramdam ng pagmamahal ng isang Kuya.
Medyo may kalayuan ang Chiang Rai. Sabi ni P'Korn, kilala raw ang angkan namin sa aming lugar dahil sa pulitika. Bagay na mas lalong nagpakaba sa akin. Hindi ako sanay sa ganoong buhay. Alam kong maninibago ako.
Nang makarating kami sa Chiang Rai ay laking gulat ko nang makita kong ang daming taong naghihintay sa aming pagdating.
Pagbaba namin ng sasakyan ay sinalubong agad kami ng aming mga magulang. Masaya nila kaming sinalubong at sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Welcome, son." sabi ni Daddy habang tumutulo ang kaniyang mga luha.
Hinalikan pa niya ako sa pisngi at maging sa aking noo. Ramdam ko kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito. Ngayon lamang halos nag sink-in ang lahat sa aking isipan. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang ama.
Palakpakan ang lahat habang papasok kami ng gate. Panay ang bati sa akin ng mga taong nadadaanan namin.
"Welcome, young master." sabi ng mga ito na halos napapayuko sa tuwing dadaan kami sa kanila.
Speechless masyado ako sa mga sandaling ito. Tanging maisusukli ko lamang sa lahat ng pagbati sa akin ay ang mga ngiti kong alam kong halos pilit pa.
Kinakabahan man ako, ngunit nalalabanan ko lahat dahil nasa tabi ko si Kuya na halos hindi niya ako binitawan simula kanina pa.
"May I have your attention please." ang aking ama habang nasa ibabaw ng entablado. "Today, is the most beautiful day in our family. Di namin lubos akalain na darating ang araw na ito sa aming pamilya. Matagal na panahon kaming nangarap na mabuo ulit kami. Halos nawalan na kami ng pag-asa ng aking asawa at anak na si Korn. But God is so good. Sino bang mag-aakala na sa school kung saan nag-aaral ang panganay na anak namin ay matatagpuan niya ang pinakamahalagang tao sa buhay namin? Sino bang mag-aakala na magiging kakampi niya sa kanilang volleyball team ang matagal na naming hinahanap na tao? Sino bang mag-aakala na magiging magkaibigan silang dalawa sa unibersidad? Sino bang mag-aakala na muli naming makikita, makakasama at mayayakap ang nag-iisang Prince ng buhay namin. Ladies and gentlemen. I am very happy to present to you for the very first time our long lost son...Prince." naluluhang wika ni Dad.
(Palakpakan ang mga tao.)
Mas lalo akong kinabahan nang ipinakilala ako sa publiko. Halos hindi ako makakilos sa aking kinalalagyan. Lumapit sa akin sina Mommy at P'Korn. Inabot ni Kuya ang kamay nito sa akin. Ngumiti siya at tumango, senyales na kailangan kong tumayo.
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...