Episode 3 (4/4)

119 6 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                             
EPISODE 3 (4/4)

MEW

Isa na ito sa pinaka-espesyal na kaarawan ko. Nakalimutan man nina Gab at Tom ang araw na ito, subalit may isang AJ na sobrang nag effort para sa akin ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito sa buong buhay ko.

Habang naliligo si AJ, ay tiningnan ko ang mga larawan sa kaniyang kuwarto. Nakita ko ang isang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang drawer. Picture niya iyon, Mommy niya at kung hindi ako nagkakamali Daddy niya ang lalaking kasama nila dahil may similarity sila ng pagmumukha.

Nagtataka ako kasi simula nang pumupunta ako rito ay hindi ko pa nakikita ang kaniyang ama. Pinagmasdan kong mabuti ang nasabing kuwadro. Magkapareho sila ng mata ng kaniyang ama.

Ilang sandali lang ay lumabas na si AJ mula sa loob ng banyo. Agad siyang lumapit sa akin.

“Daddy mo?” bungad na tanong ko sa kaniya.

“Umm.”

“Nasaan siya ngayon?”

Nagpunas muna siya ng ulo at nagpalit ng damit saka bumalik sa tabi ko.

“May second family na ang Dad ko. Simula noong nasa 9th grade ako ay nalaman ko na may second family siya. Umuuwi lang siya rito paminsan-minsan para lang makita ako. But he spent most his time sa bago niyang family.” malungkot na kuwento niya.

Nagulat ako sa aking nalaman at bigla akong nakaramdam ng pagkahabag.

“May anak na ba siya sa iba?”

“Ummm…mayroon akong step brother. Nasa 7th grade na.”

“Nagkita na ba kayo ng kapatid mo?”

“Oo, isang beses noong pinuntahan nila ako sa school. Actually, sobrang nasaktan ako noon, pero di ako nagalit kasi naintindihan ko naman eh. Wala namang kasalanan kapatid ko. Si Dad naman ang may mali eh.”

Dahil sa sinabi ni AJ ay mas lalo akong humanga sa kaniya. Napakabait at napakabuti niyang tao.

Nagpatuloy siya sa pagkuwento tungkol sa kaniyang ama. Ramdam kong nasasaktan siya ngunit hindi ko siya kinakitaan ng kahit anumang galit.

“Okay lang sa Mom mo na may ibang pamilya Dad mo?”

“Sabi ni Mom, huwag daw pilitin ang isang tao na ayaw na sa atin. Lagi kasi silang nag-aaway noon. Busy si Mom sa business at busy din si Dad sa family business nila. Halos nawalan sila ng time sa isa’t isa. Hanggang nakatagpo si Dad ng isang babae na pumuno sa pagkukulang ni Mom. Sa una nagalit si Mom, pero nang tumagal natanggap at naintindihan niya rin lahat.”

“How about you? Okay lang ba sa'yo na may ibang pamilya Daddy mo?

Matagal siya bago nakasagot sa tanong ko.

“Sa una, siyempre hindi. Sino ba naman ang may gusto ng isang hindi kumpletong pamilya, di ba? Nagalit din ako noong una, pero nang ipinaliwanag sa akin lahat ni Mom, doon ko naintindihan lahat. Sino ba naman ako para magalit sa Dad ko? Anak lang ako, di ba? Sabi nila, lahat ng mayroon sila balang araw magiging akin. Di naman ‘yon ang habol ko eh, ang makita kong masaya sila pareho kahit magkahiwalay sila, okay na sa akin ‘yon. Si Mom ngayon ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Kaya gusto ko maging proud siya sa akin.”

Bigla kong naisip, napakabuti niyang anak. Sa kabila nang ginawa ng kaniyang ama ay nagawa nitong tanggapin ang lahat. Hindi madali sa isang anak ang magkaroon ng broken family. Subalit si AJ, kinaya niya lahat. Natuto siyang magpatawad at tumanggap. Ni hindi siya nagtanim ng galit sa kaniyang Daddy.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon