Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 5 (2/4)GAB
Simula nang bumalik kami ng AU ay halos hindi na ako kinakausap ni AJ. Napansin kong iniiwasan na rin niya ako ngayon. Kaya naghanap ako ng paraan para kausapin siya.
"AJ, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kaniya nang minsang nakasalubong ko siya sa lobby.
Pumunta kami sa likurang bahagi ng eskwelahan. Doon nabigyan kami ng pagkakataong makapag-usap ng masinsinan.
"Iniiwasan mo ba ako?" agad kong tanong sa kaniya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay tiningnan lamang niya ako.
"AJ, 'yong tungkol sa nangyari -." saad ko subalit hindi ko iyon natapos.
"Walang nangyari, Gab." biglang sabi niya.
Kumunot ang aking noo.
"Walang nangyari? Eh ano 'yong hinalikan mo ako?" halos nagtaas ang tono ng aking boses.
"Gab, lasing ako 'nun. Nakainom tayo pareho. Kaya kalimutan mo 'yon."
"Kalimutan? Ganoon na lang 'yon? Bakit? Dahil ba tingin mo sa akin noong gabing 'yon ay ako si Mew, kaya mo ako hinalikan?"
Hindi siya sumagot at sa halip ay hahakbang na sana siyang aalis ngunit...........
"Tama ako, di ba? Akala mo ako si Mew kaya mo ako hinalikan?"
"Oo...dahil si Mew ang gusto ko! Kaya walang nangyari sa atin, ok?!" halos pasigaw niyang sabi pagkatapos ay biglang tumalikod at sabay lakad.
Alam kong sa una pa lang ay si Mew na ang gusto niya ngunit hindi ko maiwasang hindi masaktan sa kaniyang mga sinabi. Halos hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan ngayon. Gusto kong mainis at gusto kong magalit sa aking sarili. Feeling ko ang tanga ko na naniwala sa mga halik niya.
Yes! Pagkatapos ng halik na 'yon ay umasa akong may gusto rin siya sa akin kahit pa alam kong sa una pa lang ay imposible nang mangyari iyon.
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay ako na rin mismo ang lumayo sa kaniya at halos hindi na rin ako lumalapit pa rito.
"May problema ba kayo ni AJ?" minsang tanong sa akin ni Mew. Marahil napansin niya ang pag-iwas na ginagawa ko kay AJ.
"Wala...okay lang naman kami." pagsisinungaling ko.
Hindi na siya nagtanong ng iba pang detalye. Ngunit alam kong alam niya na nagsisinungaling ako.
Si Fai na ang lagi kong kasama dahil lagi namang magkasama sina Tom at Peach. Si Fai na rin ang naging karamay ko sa mga sandaling nasasaktan ako. Naiintindihan niya ako at kahit papano'y nakakakuha ako ng suporta at simpatiya mula sa kaniya.
"Ai'Gab, kalimutan mo na siya. Nakita mo naman na si Mew ang gusto niya." sabi ni Fai habang pinapanood namin sina Mew at AJ na nag-aaral.
"Umm, susubukan ko."
Pinangako ko sa aking sarili na iiwasan ko na si AJ. Hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya. Lalayo ako at ng sa ganoon ay maka-move on ako kaagad.
Sa training ay halos wala kaming koneksiyon na apat. Hindi kami nagkikibuan ni AJ samantalang hindi naman nagpapansinan sina Mew at Tom. Bagay na ikinagalit ni Coach Tai.
"Boys! Ano bang nangyayari sa inyo?" galit na tanong niya sa amin. "Kung ganiyan ang laro ninyo, matatalo tayo niyan. Puwede ba, set aside ninyo lahat ng problema ninyo."

BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...