Episode 1 (4/4)

155 9 0
                                        

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04


EPISODE 1 (4/4)

MEW

Tapos na ang unang araw ng aming training. Palabas na kami ngayon ni AJ ng gym samantalang nauna nang lumabas sa amin sina Tom at Gab.

"Mew!" tawag ng mga gay students sa aking pangalan na agad kong ikinatigil naman.

"Mew, alam mo na ba kung sino ang napili para lumaban sa search for Moon and Star 2017?" agad na tanong sa akin ng isang estudyante.

"Hindi pa." sagot ko.

"Sabi ko sa'yo, ikaw ang mananalo eh." sabi naman ng isa pang estudyante.

Tinginan kami ni AJ nang marinig namin iyon. Pagkatapos ng nasabing pag-uusap ay agad kaming pumunta sa aming silid-aralan.

"Anong plano mo ngayon?" tanong sa akin ni AJ habang papunta kami ng aming classroom.

"Hindi ko alam. Pero gagawa ako ng paraan."

"Talaga bang ayaw mong lumaban?"

"Umm. Hindi naman ako interesado doon eh. Saka wala rin akong time para doon. Alam mo na halos hindi na nga ako maka attend ng mga trainings natin."

"Kunsabagay tama ka." sang-ayon ni AJ sa sinabi ko.

Nang makarating kami sa aming classroom ay nilapag lang din namin ang aming bag saka dumiretso na agad kami ng kantina.

TOM

Nandito kami ngayon ni Gab sa canteen habang nagmimiryenda.

"Tom, napansin mo ba ang laro ni Mew kanina?" tanong ni Gab na animo'y nagtataka rin sa ikinikilos ni Mew kanina sa aming insayo.

"Umm!" tangong-tugon ko sa kaniya.

"May problema kaya siya?" nakita kong bigla siyang nag-alala.

"Hindi ko alam."

Bigla kong naisip. "Ako kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang ipinakita ni Mew kanina sa training?"

Aminin ko man o hindi, nag-aalala rin ako sa kaniya kanina. Hindi ko maiwasang isipin na ako ang dahilan kung bakit ganoon ang kaniyang ikinikilos sa aming insayo.

Mayamaya lang ay dumating naman sina Mew at AJ. Agad silang tinawag ni Gab para samahan kaming dalawa sa mesa.

Pagkatapos nilang bumili ng pagkain ay agad din silang lumapit sa amin.

Magkatabi kami ni Gab sa pag-upo samantalang magkatabi naman sina AJ at Mew. Magkaharap kami ni AJ samantalang magkaharap naman sina Gab at Mew.

Napatigil ako ng bahagya nang makita kong magkapareho sila ng inumin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila ngunit ilang beses ko na rin silang napapansin na pareho nang kinakain. Marahil nagkataon lang na pareho sila ng paborito.

"Ahhh...parang masyado na kayong close ah." sabi ni Gab habang ang kaniyang mga mata ay sa pink milk nilang hawak. "Parang gusto kong magselos ngayon sa inyong dalawa." pabirong sabi pa nito na ang tinutukoy ay ang closeness na nakikita nito kina Mew at AJ.

Napangiti na lamang sila dahil sa sinabi ni Gab.

"Amm Tom, congrats pala ha." pagkuwa'y sabi ni AJ.

"Congrats para saan?" takang tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo ba alam na ikaw ang napili na siyang lalaban sa Moon 2017 sa faculty natin?"

Nagulat ako sa aking narinig. Di ako makapaniwala. Lihim akong natuwa pero agad din akong napatitig kay Mew habang abala ito sa pagkain.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon