Title: SET Thes Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 4 (3/4)TOM
Biglang tumunog ang bell, hudyat para sa lunch break.
“Hanggang ngayon ba di pa rin kayo ok ni Mew?” minsang tanong sa akin ni Fai habang papunta kami ng canteen.
“Ayaw niya akong pansinin, so bakit ko siya papansinin?” paismid kong sagot. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa nangyari kahapon.
“Tom, paano ninyo matatapos ‘yong research ninyoo kung ganiyan kayo?” tanong naman ni Gab.
“Aww! Kaya naman niyang gumawang mag-isa eh at kaya ko ring gumawang mag-isa.”
“Hey, Tom! By pair to. Hindi ito individual requirement.” si Fai na tila nagtaas ang kaniyang boses.
Napaisip ako. Kunsabagay, kahit mag-isa naming gagawin iyon ay kayang-kaya rin naman namin. Pero tama si Fai, by pair nga ito kaya hindi puwedeng gawing individual ‘yon.
“Eh di lahat ng output ko, bigay ninyo na lang sa kaniya. Siya na ang bahalang mag edit.” pagkuwa’y sagot ko.
“Aww! Talagang may ganoon?” si Fai na biglang kumunot ang kaniyang noo.
“Oo, at pag di ninyo ginawa ‘yon, kayo rin mababagsak kaming pareho.”
Gagawa na lang ako ng mag-isa tapos ipapabigay ko na lang kina Fai at Gab ang lahat ng output ko. Anyway, alam ko namang hindi niya pababayaan na babagsak ang grado naming pareho. Kilala ko siya. Alam kong mahalaga sa kaniya ang mga grades na makukuha namin.
Pagkatapos nang nangyari kahapon ay halos hindi na nga kami nagkakalapit sa isa’t isa. Ramdam kong umiiwas siya sa akin at umiiwas din naman ako sa kaniya.Pagkatapos ng aming klase sa hapon ay agad akong pumunta ng gym para sa aming training. Mag-isa lang ako dahil sumabay na si Gab kina Mew at AJ.
Nagmamadali akong pumasok ng gym at tumungo sa aking locker para magpalit ng damit. Saktong pabalik na ako ng court nang sinalubong ako ni P’Korn.
“Puwede ba tayong mag-usap, N’Tom?” tanong niya nang lapitan ako.
“Okay, P’.” agap ko namang tugon.
“Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa inyo ni Mew. Pero bilang team captain, kailangan kong gawin ‘to. Hindi puwedeng hindi kayo magkasundo at magkabati. Isang team tayo. Kailangan magkaroon tayo lagi ng koneksiyon sa loob ng court. Alam kong iisa lang ang goal natin, ang makuha ang championship title this season. Nakikita kasi namin na malaki ang maitutulong ninyo sa team. Kailangan kayo pareho kaya mahalaga na magkabati kayong dalawa.” pahayag ni P’Korn.
Nauunawaan ko siya. Alam ko lahat ng iyon. ‘Yon din ang sabi sa amin ni Coach Win noon. Team event ang volleyball at hindi puwedeng mag kaniya-kaniya kami. Pero di ko alam kung paano kami magkabati ni Mew.
“Alam ko naman ‘yon, P’, eh. Kaso lang hindi ko alam kung magkakabati pa ba kami ulit o hindi na.”
“Mahalaga pa ba siya para sa'yo?”
Natigilan ako sa naging tanong ni P’Korn. Bigla akong napaisip.
Galit lang ako sa kaniya lalo sa nangyari kahapon pero hindi ko puwedeng takasan ang katotohanan na hanggang ngayon ay mahalaga pa rin siya para sa akin. Buong buhay ko, siya lang naman talaga ang tinuring kong best friend. Almost five years din kaming naging magkaibigan. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang limang taon lalo pa’t ni minsan ay di kami nag-away.
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...