Episode 9 (2/4)

126 4 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                               
EPISODE 9 (2/4)

GAB

Sinusubukan kong tawagan si AJ dahil simula kanina ay hindi na kami nakapag-usap. Ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Nag send ako ng message via LINE.

“Please, answer my call. Talk to me please.” text ko sa kaniya.

Subalit seenen lang niya iyon at hindi man lang siya tumugon sa mensahe ko.

Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang kaniyang reaksyon. Naiintindihan ko siya.

Mayamaya’y lumapit sa akin si Mommy.

“May problema ba?” agad niyang tanong sa akin ni Mom.

Tumingin ako sa kaniya at kapagkuwan ay napalunok ako.

“Mom, may sasabihin ako sa'yo. Naalala niyo ba ‘yong ikinuwento ko sa'yo na taong gusto ko?”

“Yes! Where is he? Gusto ko siyang makilala, son.”

Huminga ako ng malalim.

“Mom, di kami okay ngayon.” pagkuwa’y malungkot kong sabi.

“Bakit naman? Nag-away kayo?”

“No, mom! Dahil kay Jane.”

“Jane? Yong ex mo?”

“Yes, mom, umuwi kasi siya rito. At gusto niyang makipagbalikan sa akin. Ayaw ko na sa kaniya, Mom. Kaso nalaman niya ‘yong tungkol sa amin ni AJ at kinausap niya ito. Kaya iniiwasan ako ngayon ni AJ.”

“Si AJ ang gusto mo, di ba?”

“Oo, Mommy. Siya ang gusto ko.”

“So sundin mo kung anong laman ng puso mo. Sabihin mo ang totoo kay Jane para hindi na siya umasa.”

“Sinabi ko na sa kaniya ang lahat, Mom. Pero ayaw niyang tanggapin iyon. At tinakot niya si AJ na ilalabas  niya 'yong picture naming dalawa na naghahalikan.”

Natigilan si Mommy nang sabihin ko iyon.

“Mommy, sorry talaga.” nahihiya kong wika.

“Natatakot kayo pareho na malaman ng lahat ang tungkol sa inyong dalawa, tama?”

“Okay lang naman kay AJ, Mommy, eh. Pero ako ‘yong inaalala niya, kasi raw hindi pa ako handa.”

“Nahihiya ka ba sa relasyon ninyo?”

Bahagya akong natigilan sa tanong ni Mommy.

“Kayo ‘yong inaalala ko Mommy, kayo nina Daddy at Kuya. Ayaw kong mapahiya kayo ng dahil sa akin. Kaya natatakot ako na malaman ng lahat.”

“Napakabuti mong anak at kapatid. Wala kaming ibang hangad kundi ang maging masaya ka. Salamat dahil iniisip mo kami. Pero anak, huwag mo kaming intindihin. Alam na ng Daddy mo at Kuya mo ang tungkol diyan. Kung sakaling ilabas ni Jane ‘yon, so what? Ang importante masaya ka sa naging desisyon mo. Support kami para sa'yo. Tanggap namin ‘yon. Kung sakaling ilabas man iyon ni Jane, hayaan ninyo na. Alam kong sa una pag-uusapan kayo ng lahat pero alam kong lilipas din 'yon.”

Hindi ko akalain na ganito ang magiging tugon niya sa akin ngayon.

“Salamat, Mommy.”

“Ayusin mo ‘yong problema ninyo ni AJ. Ipaglaban mo siya. Sundin mo ang sigaw ng puso mo. Hayaan mo kung anuman ang gagawin ni Jane.”

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon