Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 9 (1/4)
AJPapasok na ako ng unibersidad nang biglang may tumawag sa akin. Agad akong napalingon at laking gulat ko nang makita ko si Jane, ang dating nobya ni Gab.
“Ikaw ba si AJ?” agad na tanong nito sa akin.
“Oo, bakit?” agap ngunit mahina kong tugon dito.
“Can we talk for a while?”
Mukhang may ideya na ako kung anong pakay niya ngayon.
“Okay!” pagkuwa’y agad kong pinaunlakan ang kaniyang kahilingan.
Pumunta kami sa isang coffee shop sa harap lang din mismo ng AU. Medyo naiilang ako sa kaniya lalo na kapag tinitingnan niya ako.
“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” kaswal kong tanong pagkatapos naming maupo.
“Kayo na ba ni Gab?” direktang tanong niya.
Bigla akong natigilan ngunit hindi na rin ako nagulat sa puntong ito. Hindi rin agad ako nakasagot at sa halip ay napatingin na lamang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.
“Kayo na ba?” tanong nito ulit.
Napalunok muna ako bago nagsalita.
“Hindi ko na kailangang sagutin 'yan.” pagkuwa’y sagot ko.
Biglang nagngitngit ang kaniyang mukha sa naging tugon ko.
“Nag-iisip ka ba? Pareho kayong lalaki. Paano pag nalaman ng lahat ang relasyon ninyo?” galit ang tono ng kaniyang boses.
“Wala ka nang pakialam doon. Problema na namin 'yon.”
“Talaga? Paano pag nakita nila ito?” nakataas ang kaniyang kilay at sabay pakita ng kaniyang cell phone.
Nagulat ako sa nakita kong larawan sa kaniyang phone. Halos nanlaki ang aking mga mata. Kuha ito nang minsang nag-usap kami ni Gab sa locker bago nagsimula ang semi-finals. Kita sa nasabing larawan ang ginawang paghalik ni Gab sa akin noon.
Nandoon pala siya sa mga panahong iyon. Nakita niya ang lahat at kinuhanan niya kami ng litrato.
“Ano kaya ang sasabihin ng lahat pag nakita nila ito? C’mmon, do you think may patutunguhan ‘tong relasyon ninyo ni Gab?” si Jane at nagbabanta ang kaniyang tinig.
Bigla akong napayuko dahil naalala ko si Gab. Alam kong hindi pa siya handa na malaman ng lahat ang tungkol sa aming dalawa.
“Ano ang kaya mong ibigay sa kaniya? Gab deserves a normal life. Hindi mo siya kayang bigyan ng kumpletong pamilya. So wake up! Huwag kang hangal!” puno ng pang-iinsulto at pangmamaliit ang bawat katagang lumalabas sa kaniyang bibig.
“Ginagawa mo ba ito para layuan ko siya?”
“To tell you honestly, yes! Ayaw kong mapahiya siya ng dahil sa'yo.”
Tinitigan ko siya ng matalim ngunit nagpigil ako ng aking sarili.
“So sabihin mo sa kaniya 'yan. Kung lalayuan niya ako, lalayuan ko rin siya. Kung wala ka nang sasabihin, can I excuse myself?” iyon lamang at agad din akong tumayo mula sa aking kinauupuan at mabilis na umalis.
Aaminin ko, apektado rin ako sa sinabi ni Jane. Takot akong ikalat nito ang larawang nakuha niya. Higit sa lahat, affected ako sa sinabi niya kung anong buhay ang kaya kong ibigay kay Gab. May point siya that Gab deserves a normal relationship, he deserves a normal life. Isang taong ipagmamalaki nito. Isang relasyon na tanggap ng lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/243326500-288-k656183.jpg)
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...