Episode 5 (3/4)

131 4 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                       
                              
EPISODE 5 (3/4)

TOM

Halos hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang paglabas ni Aunty. Habang nasa ambulance kasi kami kanina ay may lumabas na dugo sa ilong ni Mew. Labis akong natakot para sa kaniya.

Ilang sandali lang ay lumabas na si Aunty mula emergency room.

Agad ko siyang sinalubong.

“Musta na si Mew, Aunty?” nag-aalala kong tanong dito.

“Tom, dengue ang sakit ni Mew at masyado ng mababa ang platelet niya. Nagkaroon na rin siya ng internal bleeding. Kailangan niya ng blood transfusion sa lalong madaling panahon.” sagot ni Aunty.

Nang marinig ko iyon ay mas lalo akong kinabahan at natakot. Parang gusto kong pasukin si Mew sa loob ng ER.

“Aunty, please gawin ninyo ang lahat para iligtas si Mew…pleaseeee….” pagmamakaawa ko.

“Oo naman, Tom. Parang pamilya na natin si Mew. Gagawin namin ang lahat para mailigtas siya. Pero may problema tayo. Walang stock ng dugo tayo rito na type AB. At mahirap hanapin ‘yon.”

“Anong gagawin natin, Aunty?”

“Kailangan nating makipag-coordinate sa ibang hospital. Pero baka matagalan tayo. Mew needs blood transfusion as soon as possible.”

“Ako, Doc…type AB ako.” biglang sabi ng isang lalaki mula sa aming likuran.

Nang lumingon ako ay nakita ko si P’Korn kasama sina AJ at Gab.

“So, willing kang mag donate?” biglang tanong ni Aunty sa kaniya.

“Yes, doc! Gawin na natin ngayon mismo.” agap na tugon ni P’Korn.

Magka blood type sina P’Korn at Mew. Kaya agad siyang sumailalim  sa mga laboratories. Pagkatapos malaman na ligtas ito ay agad na siyang kinuhanan ng dugo para isalin kay Mew. Magkatabi lang silang dalawa sa kama.

(Habang kinukuhanan ng dugo si Korn ay napapatitig siya kay Mew habang nakahiga sa kabilang kama.)

Samantalang nakaabang lamang kaming tatlo nina Gab at AJ dito sa labas. Magkatabi kami habang nakaupo sa sofa. Alam kong nag-aalala rin siya ngunit wala kaming ibang magawa kundi ang maghintay.

Mayamaya ay dumating si Mama. Agad ko siyang sinalubong.

“Maaaaaa.” sabi ko at sabay yakap kay Mama.

“Hello, Aunty.” sabay na bati naman nina Gab at AJ.

“Hello….Sorry, son kung late akong dumating.” si Mama at agad na hinawakan ang kamay ko. “Musta na si Mew?”

“Hindi pa lumalabas si Aunty, Ma. Nagka-internal bleeding siya.” sagot ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang malalakas na kabog ng aking dibdib.

“Okay, son…kukunin ko lang ang kaniyang mga lab results.”

“Ma, please iligtas niyo si Mew. Gawin niyo lahat, Ma.” pagmamakaawa ko kay Mama.

“Promise, son! Gagawin ni Mama ang lahat, okay? Ililigtas natin siya. Just pray that everything will be okay.”

Bigla akong niyakap ni Mama dahil alam niyang nag-aalala ako.

Nang umalis si Mama ay agad na pumunta si Gab sa canteen para bumili ng pagkain. Naiwan kaming dalawa ni AJ ngayon.

“Tom, magiging okay ang lahat. Mew is a good fighter.” aniya, ngunit bakas sa kaniyang tinig ang pag-aalala.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon