Title: SET The Series
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 7 (4/4)MEW
“Anak, ito ‘yong magiging kuwarto mo.” sabi ni Mommy nang pumasok kami sa loob ng magiging silid ko.
Napakalaki nito para sa akin. Nakapanlulumo pagmasdan. Naninibago ako sa aking nakikita.
“Salamat, Mom.” mahina kong tugon habang ang aking mata ay palingon-lingon sa kabuuan ng silid.
“Nagustuhan mo ba, Nong?” pagkuwa’y tanong sa akin ni P’Korn.
“Oo, P’.”
“Pag may kailangan ka anak sabihin mo agad sa mga katulong huh.” si Daddy tapos sabay akbay sa akin “Simula ngayon, bahay mo na ito.”
“Thank you, dad.” mahina pa rin ang aking boses.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako sanay sa pagbabagong nangyari sa buhay ko. Labin-pitong taon akong sanay sa buhay mahirap. Sanay akong matulog sa masikip at mainit na kuwarto. Pero ngayon, napakalayo nito sa dati kong buhay.
“Mom, puwede bang dito ako matutulog kay Mew?” tanong ni P’Korn kay Mommy pagkatapos akong akbayan.
“Depende sa kapatid mo kung papayag siya.” si Mommy habang nakangiti sa akin.
“”Ammm! N’Mew, puwede bang tabi muna tayo ngayong gabi?”
“Oo naman, P’. Okay lang sa akin.” nakangiti kong tugon kay Kuya.
“Talaga ñ, Nong?” si P’Korn at nakita kong na-excite siya.
“Oo, P’. Gusto ko rin may kasama akong matutulog ngayon dito. Medyo hindi rin kasi ako sanay, P’, na mag-isang matulog sa ganitong kalaking silid.”
Actually, sanay akong mag-isa pero hindi ako sanay matulog sa ganitong klaseng silid. Hindi rin naman ako takot ngayon subalit gusto kong pagbigyan ang kahilingan ni P’Korn. Alam kong gusto niya akong makatabi at maka-bonding ngayon. Anyway, ‘yon din naman ang gusto kong mangyari, ang mabigyan kaming dalawa ng pagkakataon na mas mapalapit sa isa’t isa.
Hindi siya nauubusan ng kuwento. Ikinuwento niya lahat ng mga nangyari noon. Until I realized, ang dami pa lang panahon at pangyayari sa buhay namin ang nasayang. Akala ko kasi, ang makilala ko sila ay sapat na para ma feel kong buo ako. Pero habang nakikinig ako kay Kuya, hindi ko maiwasang malungkot dahil ang daming pangyayari na supposedly magkasama kaming lahat.
May mga pagkakataon din na nagbibiruan kaming dalawa. Tinatanong niya rin ako sa naging buhay ko noon. Hanggang napunta ang aming usapan kay Tom.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ni Tom?”
“Yes, P’. Simula pa noong nasa 9th grade kami.”
“Mabait siya, di ba?”
“Umm! Siya 'yong naging kakampi ko noong high school pa kami. Siya rin ‘yong tagapagtanggol ko sa lahat. Lagi kaming magkasama noon. Hindi siya kakain ng lunch pag hindi kami magkasabay.” kuwento ko kay Kuya.
“Ahhhh…bakit kayo nagkagalit?”
Napabuntong hininga ako.
“Dahil kay Peach, P’. Akala kasi niya inagaw ko si Peach sa kaniya.”
“Pero hindi naman naging kayo ni Peach, di ba?”
“Oo…wala naman akong gusto sa kaniya. Kaso lang ayaw niyang maniwala sa akin.”

BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...