Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 6 (4/4)TOM
Maaga akong pumasok sa paaralan ngayon. Simula kagabi ay iniisip ko pa rin ang dahilan ng biglaang pag-alis ni Mew sa bahay. Ang daming gumugulo sa aking isipan.
Ngayon ding araw magaganap ang aming second to the last game para sa elimination round.
Pagdating ko ng university ay dumiretso agad ako sa aming klase para tingnan kung dumating na si Mew. Nang makita kong wala siya roon ay agad akong pumunta ng gym sa pag-aakalang naroon siya. Ngunit wala rin siya roon.
“Gab, nakita mo ba si Mew?” agad kong tanong kay Gab nang makasalubong ko siya.
“Akala ko ba magkasama kayo ngayon.”
“Umalis na siya kahapon sa bahay. Ni hindi man lang niya ako hinintay.”
“Ai'Tom! Anong ginawa mo sa kaniya?”
“Gab, wala akong ginawang masama sa kaniya. Nagtaka nga ako dahil pagdating ko sa bahay wala na mga gamit niya.”
“Baka naman - .”
Hindi na naituloy ni Gab ang kaniyang sasabihin dahil nakita naming paparating na si Mew kasama si P’Korn.
Agad ko silang sinalubong.
“Hello, P’Korn.” bungad kong bati kay P’Korn.
“Hello, Nong Tom.” tugon niya sa akin.
“Mew, puwede ba tayong mag-usap?” tanong ko kay Mew nang tumingin ako sa kaniya.
Lumingon siya kay P’Korn.
“Okay! Maiiwan ko muna kayo.” sabi ni P’Korn at sabay alis.
Pumunta kaming dalawa sa likurang bahagi ng gym at doon nag-usap.
“Mew, galit ka ba sakin?”
“Hindi! Bakit mo naman natanong 'yan?”
“Kasi di mo man lang ako hinintay kahapon. Tapos pagdating ko ng bahay wala ka na. Hindi mo rin sinasagot mga tawag at text ko.”
“Ahmm… pasensiya na, Tom, nagmamadali kasi ako kahapon at saka pagdating ko sa bahay may ginawa ako kaagad. Kaya di ko nasagot mga tawag mo.”
“Pero bakit ka umalis ng bahay?”
Napabuntong hininga siya.
“Di ba nasabi ko na sa sulat ko ang dahilan?”
“Mew, hindi ka naman pabigat sa amin ni Mama eh. Bakit ba kasi iniisip mo ‘yon?”
“Tom, hindi naman puwede na aasa lang ako sa inyo. Nakakahiya na masyado. Saka ayaw kong guluhin pa kayo.”
“Sino? Kami ni Peach? Si Peach ba ang dahilan kung bakit ka umalis?”
Hindi agad siya nakasagot. Napakagat siya ng kaniyang labi na animo’y naghahanap ng dahilan.
“Errrr…ayaw ko kasing magalit ka ulit sa akin. Kaya ako na ang umiiwas sa inyong dalawa.” aniya. Nakita kong malungkot ang kaniyang mukha.
“Mew, hindi kami ni Peach at walang kami.” biglang sabi ko.
Bigla siyang nagulat sa sinabi ko.
“Ahmm! Gusto ko lang umiwas, Tom. Ayaw ko kasi ng gulo.”
Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay.
“Mew, ano bang gagawin ko para maniwala ka?”
(Naku! Magtatanong pa! Sabihin mo na lang kasi Tom ang totoo.)

BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...