Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 1 (3/4)TOM
Hanggang ngayonay hindi pa rin ako makatulog. Maraming gumugulo sa aking isipan. Naalala ko si Mew. Sa katanuyan, sa tuwing iniiwasan niya ako ay nasasaktan din ako. Pero tila ata nilalamon ako ng aking pride kaya hindi ko man lang siya magawang pakitunguhan ng maayos.
Nag open ako ng aking laptop at nagbukas ng aking fb account. Nakita ko ang larawan naming dalawa 1 year ago. Magkaakbay kami sa nasabing larawan. Kuha iyon matapos manalo namin sa isang laro.
Napangiti ako ng bahagya habang pinagmamasdan ko iyon. May kung anong lungkot akong naramdaman ngayon. Naalala ko siya. Ang mga panahong nagkukulitan kami, magkatabing matulog, mga sandaling magkasamang kumakain at nag-aaral.
Naalala ko….simula nang namatay si Papa dahil sa aksidente ay halos di na ako nakikipaghalubilo. Lagi na akong nag-iisa. Subalit mula nang lumipat si Mew sa aming paaralan noong nasa 8th grade pa lang kami ay nagbago ang lahat sa akin. Natuto akong makihalubilo. Natuto akong makisama at nakahanap ako ng tunay na kaibigan. Sa katunayan dahil sa kaniya ay natuto akong maglaro ng volleyball. Siya rin ang dahilan kung bakit minahal ko ang larong iyon. Dahil sa kaniya ay naging best outside hitter ako. Isa siya sa mga naging inspirasyon ko.
AJ
Sa kabilang banda, hindi rin ako makatulog ngayon. Naisip kong tawagan si Mew. Kinuha ko kasi ang cellphone number niya kanina.
“Hello!” sabi niya sa kabilang linya.
“Hello, Mew! Nadisturbo ba kita?”
“Hindi naman. Wala na akong ginagawa ngayon. Ba’t napatawag ka pala?”
“Ahh…tanong ko lang sana kung anong oras ka bukas papasok ng school.”
“Errr…mga 8:00 ng umaga na siguro. May gagawin pa kasi ako bukas ng umaga eh.”
“Ganoon ba? Kung gusto mo, Mew, sabay na tayo. Daanan kita riyan sa inyo.”
“Naku! AJ, huwag na. Baka ma late ako bukas.” biglang tanggi niya sa alok ko.
“Okay kung 'yan ang gusto mo.” mahina kong tugon. “Ahhh, Mew, kung kailangan mo ng tulong ko sabihin mo agad sa akin huh. Huwag kang mahiya sa akin.”
“Okay, AJ! Salamat.” aniya. Ramdam kong may lungkot sa kaniyang boses.
“Sige, Mew, bye-bye na.”
“Okay! Bye!”
Pagkatapos kong maibaba ang telepono ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Bago ako natulog ay nagbukas muna ako ng aking fb account. Hinanap ko ang pangalan ni Mew at nang makita ko ito ay agad kong binuksan ang kaniyang account. Almost 1 month na siyang hindi nakapag-online.
Nag scan ako ng kaniyang mga larawan. Nakita ko ang mga larawan niya kasama sina Gab at Tom noong nasa high school pa sila. Kita ko sa kanilang mga larawan kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.
Ang totoo, matagal ko ng ini-stalk si Mew sa facebook. Nasa high school pa lang kami ay nakikita ko na siya at nakakaharap sa iba’t bang tournament. Subalit wala lang akong pagkakataon noon na makausap siya dahil di pa kami magkakilala noon. Subalit di ko akalain na ngayong college ay makikilala ko siya…at hindi lang ‘yon, naging magkaibigan pa kaming dalawa.
Pagkatapos kong mag scan ay agad ko ring pinatay ang ilaw sa loob ng aking kuwarto para matulog. Maaga pa kasi ako bukas para sa unang araw ng aming training.
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...