Episode 4 (2/4)

125 4 0
                                        

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04


EPISODE 4 (2/4)

TOM

Pagkatapos ng dalawang linggong Sport's Day ay nagsimula na nga ang pormal na klase. Dalawa nalang ang naging destinasyon namin araw-araw, classroom at gym.

Sa umaga, halos ginugugol namin ang aming oras sa academics. Samantalang tuwing hapon ay subsob naman kami sa aming trainings.

Oo, bahagi na nga kami ng varsity team. Kasali na kami para sa nalalapit na Inter-University Volleyball Tournament. Nakakapagod man ngunit lahat kami ay determinadong manalo.

Ilang araw ko nang napapansin na halos hindi na nga tumitingin sa akin si Mew. Magkasama kami sa training at halos magkalapit lang din ang aming upuan sa klase ngunit ni minsan ay hindi ko na narinig na tinawag o pinansin niya ako. Tuloy naisip ko na hayaan na lamang siya at hindi na umasang magkabati pa kaming dalawa.

Ngunit hindi ko maintindihan kung kailan tanggap ko na ang lahat ay tila naman pilit kaming pinagsasamang dalawa. Gaya na lang sa subject naming research. Kailangang gawin ito ng pares. Kaya pinabunot kami ng aming makakapareha.

"Class, for your research work, you have to do it by pair. So bubunot kayo ng inyong makakapareha." sabi ng aming guro.

Isa-isang bumunot ang mga lalaking nasa first row.

"Ngayon tingnan ninyo kung sino ang makakapartner ninyo." dagdag pa ng aming guro.

Isa-isa ng ni-reveal ang mga pangalan.

Tumayo si Gab para ipaalam sa buong klase kung sino ang kaniyang nabunot.

"Ang nabunot ko ay si AJ" sabi niya at agad napatingin kay AJ.

Nakita kong ngumiti lamang si AJ sa kaniya.

Tumayo naman si Mew.

"Ang nabunot ko ay si.....Tom." mahina niyang sabi. Halos ayaw pa nitong banggitin ang pangalan ko.

Nagulat ako nang marinig ko iyon at halos hindi ako makapaniwala. Nagtatanong ang aking isipan kung bakit ako ang kaniyang nabunot. Ang alam ko, ayaw niya sa akin at tanggap ko na 'yon. Kung saan umiiwas na ako ay saka pa kami pinagsasama ngayon.

Awkward moment ito para sa aming dalawa.

GAB

Nasa library kami ni AJ ngayon para simulan ang aming research.

"Ai'Gab, matatapos kaya natin 'to sa loob ng isang linggo?" pagkuwa'y tanong niya sa akin.

"Wala ka bang tiwala sa mga sarili natin?" agap kong tugon sa kaniya.

"Di naman sa ganoon pero parang ang hirap nito."

"AJ, malaki ang tiwala ko sa'yo."

"Aww...may tiwala ka pala sa akin." natatawang wika niya.

Pabiro ko siyang pinalo sa ulo.

"Bibigyan ba kita ng bola sa volleyball kung wala?" pagkuwa'y usal ko.

Tumayo siya at nilapitan ako. Inakbayan niya ako at sabay gulo ng aking buhok.

"Oo nga no. Pero parang paborito mo ata si Mew eh."

Napatingin ako sa kaniya.

Paborito si Mew? Kung alam lang niya kung sino talaga ang paborito ko, tiyak magugulat siya.

Kumuha si AJ ng pagkain sa kaniyang bag. Binuksan niya ito at sabay kain.

Patuloy ako sa aking ginagawa nang bigla niya akong sinubuan ng pagkain. Sobra akong nagulat dahil sa kaniyang ginawa. Napatulala ako na nakatingin sa kaniya.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon