Chapter 1

32.1K 299 12
                                    

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

Pinagmamasdan ni Victoria ang abogado sa kabilang panig.  May ilang buwan na ring nililitis ang kaso at ito ang pinakamahalagang araw  dahil ilang sandali na lamang  ay ibababa na ang hatol.

Ilang beses na rin niyang sinaway ang sarili.  Ayaw sana niyang titigan si Atty. Valdez, ngunit maaring ito na ang huli nilang pagkikita.

Kaya't pinagpatuloy na lamang niya ang pagtitig, pinanood niya ang bawat kilos, pati ang mga facial expressions.

At sa ginagawa niyang iyon ay tila ba naglakbay siya noong mga panahong nasa kolehiyo pa sila...

***********

"Paano Vic," iyon na ang nakasanayang tawag sa kanya ng mga kamag-aral, palibhasa'y ang tingin sa kanya ay one of the boys, "ikaw ang date ko sa graduation ball ha?"

Napatanga si Victoria sa nagsasalita.  Matagal na rin niyang crush ang lalaking ito, ngunit magkaiba sila ng mundong ginagalawan.

Bagama't iisang section lamang ang batch nila ay may kanya-kanya silang mga grupo.  At si Victoria, she's another story.  Wala siyang sariling grupo.  Kung tutuusin nga  ay outcast siya, palibhasa'y unconventional.  Wala yatang gustong sundin na dikta ng lipunan kung paano ang mga nararapat na asal, mula sa pananamit hanggang sa pagsasalita.

Ngunit, di mo rin matatawaran ang ganda.  She has the face and body to die for, pero boyish nga lang.  She is also exceptionally brilliant and intelligent.  She can hold her own in any argument.  Madalas ay nakikipagtalo sya sa kanyang mga guro.   At madalas din ay wala ng nakikipagtalo sa kanya once she decides to take on a topic.

Gayunpaman, isa pa din sa mga bagay na lalong nagdidin sa kanyang kaibahan sa mga kamag aral ay ang pagiging single mother nya.  She had her child while still in high school.

Fotunately, she managed to top every exam na kanyang kinuha kaya’t nakapasok sya through scholarship sa isang exclusive na pribadong unibersidad.  At ngayon nga’y pinipilit nyang makagraduate ng cum laude kung di man nya makuha ang suma cum laude.  Again, another point against her.

"Ano Vic, huwag mo namang sabihing ipapahiya mo ako."

Yan naman si Matthew Valdez, self-assured.  Palibhasa'y galing sa mayamang pamilya.  Anak ng isang magaling at kilalang abogado, at ng isang sikat na commercial at ramp model noong kapanahunan niya.

The golden child.  Nag iisang lalaki at may tatlong nakakatandang kapatid na babae.  Spoiled sa mga magulang at kapatid.  He is being groomed to take over the family’s legacy.

Magkaibang-magkaiba ang dalawa.  Tanging pagkakatulad lamang ay ang hilig nila sa pakikipagtalo, kahit mali ay kaya nilang gawing tama.  Kadalasan tuloy ay silang dalawa ang laging nagtatalo, na siyang laging pinagmumulan ng tuksuhan sa klase.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon