"Anong ibig sabihin ng walang label?"
I asked to my two friends. We are here at Cadi's room, she is still here at San Pedro hospital. The doctor said that she can go home after lunch so her parents prepare the payment for her hospital bills.
Kami muna ni Quill ang pinabantay sa kanya habang inaasikaso nila Tita at Tito iyon. Siguro maya-maya uuwi na ako kasi wala pa akong ligo, kahapon pa kasi kami ni Quill dito.
Kevlar will teach me how to drive again. Susunduin niya ulit ako sa kanto mamaya. Ewan ko sa isang yun at ayaw pumunta sa bahay, nakapunta nga siya noon eh ngayon pa kaya.
"Putcha!Sa daming naging kalandian mo hindi mo alam yun?" Quill said.
I pouted because of what he said. Parehong-pareho sila ng sinabi ni Khai. Balik sa dati na din ang kumag dahil wala na itong sakit. Parang gusto ko nalang na magkasakit ulit siya dahil sobrang chill niya lang.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" I sarcastically said.
"Why did you asked ba?" Tanong ni Cadi.
"Sinabi kasi yan ni Khai sa aming dalawa ni Kevlar." I honestly said. Nagkatinginan naman si Cadi at Quill.
"Baka naman may ginawa kayong bagay na para sa magjowa lang." Pilyong tanong ni Quill.
"Ha!?Bukod sa paghawak niya sa kamay ko, kumain lang kami ng lunch yun lang!Teka nga lang!Straight to the point na kasi, ano bang ibig sabihin ng walang label na yan!?" I said. Gulat na nakatingin yung dalawa sa akin
"Quill, are you thinking what I am thinking?" Halos pabulong na tanong ni Cadi kay Quill. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Hell yes!" Sagot ni Quill. I rolled my eyes.
"Walang label is you are doing something like what couples do. You are sweet to each other but you two are not into a relationship. Tulad ng ginawa niyo ni Kevlar, nagholding hands pero walang kayo." Cadi explained. My brows furrowed.
"Wait!Normal lang naman sa magkaibigan ang maghawak kamay ha?Tayo ngang tatlo nag hoholding hands eh!" I said.
"Tanga!Iba yung sa atin kasi tatlo tayo!Eh kayo ni Kevlar pareho kayong babae at lalaki, malamang sa malamang iisipin ng mga tao na magkarelasyon kayo." Quill said.
Natahimik at napaisip naman ako. Nang unti-unti ko nang maintindahan, napapikit ako ng mariin at ginulo ang sariling buhok. Ba't ngayon ko lang naisip!?
"Umamin ka nga Vanity Isis. Do you have feelings for Kevlar. Because the Vanity we know hindi basta-basta nagpapahawak sa mga lalaki. Tell us the truth bitch!" Cadi said.
Gusto ko siyang batukan dahil sa pagtawag niya ng bitch sa akin. Pasalamat nalang siya at pasyente siya kung hindi sinabunutan ko na itong bruhang to.
BINABASA MO ANG
The Sky Riders (Course Series #2)
General Fiction[UNDER EDITING!!] Course Series #2 The Sky Rider A story of a two Pilots. "Your wings already exist my love, all you have to do is fly and reach the sky." - Captain Vanity Isis Patterson "Yes and that wings is you Babe, your love make me fly high a...