JENNIE'S P.O.V
Pauwi na ako ngayon galing sa Wedding Fashion, Kaya Pupunta muna ako sa Company dahil may Aasikasuhin muna ako.
Habang nagmamaneho ako e para bang may iba akong nararamdaman? Na parang may nangyaring masama na hindi ko alam kung ano?
Sa hindi mapakali ang Utak ko agad kong tinawagan si Lisa. Naka ilang Missed Calls na ako sakanya pero wala paring sagot galing sakanya. Naninibago na ako ngayon kay Lisa dahil hindi naman yan nagpapalampas ng tawag ko eh, isang tawag ko lang sasagutin na niya agad pero this past few days na maka ilang tawag pa ako bago sagutin.
Agad ko nalang tinawagan yung Secretary niya para itanong kung ano ba ang nangyari kay Lisa at hindi makasagot sa tawag ko. Lalo tuloy ako kinakabahan.
"Hello Irene? Where's Lisa? Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko? Nasaan ba siya? Is she busy?"- Taranta kong tanong na animo'y gustong gusto ko na nang sagot.
"Hindi pa siya nakabalik Galing sa meeting with your dad"- Pag alala din ni irene kay Lisa.
"Meeting with dad?"- Bigla kong tanong na ikinatakot ko dahil baka sinabi na ni dad kay Lisa ang Lahat. Natatakot akong mawala saakin si Lisa. Ngayon palang naiiyak na ako.
"Oo Jennie. Siya lang yung naka meeting ni Lisa ngayon"
Agad ko nang ibinaba ang Phone at agad agad pinahurorot ang sasakyan papuntang Company dahil gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan ni dad at Lisa.
Pagkarating ko sa Company ay diridiritsu na ako sa Office ni dad. Pagkabukas ko ng pinto I saw dad and mommy na tila seryuso ang usapan nila.
"Dad! Nakipag Meeting ka daw kay Lisa ngayon?"- Hindi ko na alam yung nararamdaman ko ngayon pero basta Complicated.
"Oh! Jennie, You're here na pala. So Ano nakapag desisyon kana ba for that deal?"- Pag-iba ni dad sa topic.
"Ano sinabi mo kay Lisa dad! Tell me? Where's she now?"- Naiiyak kong sabi habang pinapakalma ako ni Mommy.
"Anak! Sinabi ko lang naman na Itigil na ang wedding niyo dahil May nakalaan na sayo at hindi ang Lisa nayon"- Pagkainis na sabi ni dad.
"Dad! Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na tanging si Lisa lang ang gusto kong pakasalan. Akala ko ba tanggap niyo na siya for me? Mommy? (Tumingin ako kay mommy) wag kayong pumayag, Hindi ako magiging masaya sa lalaking yun.. Please! Mommy!!"- Nagmamakaawa na ako kay Mommy halos lumuhod na ako sa kakaiyak.
"Wag mong pakinggan yang Anak mo!"- pasigaw ni dad kay mommy. Habang si Mommy ay sinasabayan akong umiyak at pinipigilang wag lumuhod.
"Jennie? Sa tingin mo ba? Hindi ka hihiwalayan ni Lisa? Jennie? Halos wala na siyang time sayo this past few days? Sa tingin mo hindi siya nagsawa sayo?"- Paninira ni dad kay Lisa saakin na lalong ikinainis ko.
"Hindi yun magagawa ni Lisa dad, We love Each other so much. At kung hihiwalayan man niya ako yun ay pinilit niyo siya."- Pasigaw kong sagot kay daddy kahit labag sa kalooban kong sigawan siya. Hindi ko na ma control yung galit ko ngayon.
"Yang ginagawa niyo dad? Mas lalo akong napipilitang ipaglaban si Lisa sainyo. Mas lalong hindi ako papayag na mawala siya, at maikasal sa lalaking iyon."- Dagdag ko pa habang nagsisi-unahan na yung mga Luha ko.
Agad na akong Lumabas at hanapin ko si Lisa.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at agad pumunta sa Company nila Lisa.
Pagkarating ko agad akong dumiretsu sa Office niya pero wala siya doon pati si Irene wala siya. Kaya sinubukan ko ulit tawagan si Lisa pero wala paring sumasagot, Pati na din si Irene.
YOU ARE READING
TOGETHER, FOREVER. (BOOK 2)
FanfictionContinuously of my First Story Which is The "ACCIDENTALLY IN LOVE WITH YOU." A story of the Two couple who face a lot of trials but they don't give up easily, They Fight for the sake of their Love to each other.