CHAPTER 35

615 10 4
                                    

LISA'S P.O.V

Unti-unti kong minumulat yung mga mata ko, Hanggang sa Unti unti ko nang nakikita sina Mommy and Daddy pati na din si Irene.

"Finally Gising kana Anak!"- Maligayang salubong saakin ni Mommy.

"Hindi naman ako mawawala mommy eh"- Pabiro ko pang sabi.

"Anak! Wag munang gagawin yun ulit ah? Ang magpabasa sa Ulan"- Sabi din ni Daddy at sabay Kiss sa aking noo.

"I'm Sorry dad. Hindi ko lang napigilan yung sakit na nararamdaman ko."- Mahina kong sabi.

"Anak! Nandito naman kami eh? Karamay mo sa kahit ano mang problema nayan, Hindi ka namin iiwan Anak"- Sabi ni Mommy habang nakahawak sa kamay ko.

"Thank you Mommy and daddy Ilove you so Much"- Sabi ko sabay yakap sakanila.

"Mom? Dad? Where's Jennie?"- Bigla kong tanong sakanila.

"She's not here"- Sagot ni Irene.

"Alam ba niya na nandito ako sa Hospital?"- Tanong ko ulit.

"Hindi Anak! Hindi na namin ito sinabi kay Jennie, Anak, isipin mo muna ngayon yung pagpapagaling mo, We need you Anak!"- Malungkot na sabi saakin ni Mommy.

"Actually Anak! Hinahanda na namin yung sasakyan patungong Thailand, Napagdesisyunan naming Doon na ituloy yung pagpapagaling mo"- Wika ni Daddy na siyang Ikinagulat ko.

"What? No dad! I can't leave Jennie here!"- Naiiyak kong sabi.

"Pero Anak Kailangan mo magpagaling"- Pilit na sabi ni Mommy.

"Mom, dad! Tanging si Jennie lang at kayo ang rason kung bakit ako patuloy na nilalabanan itong sakit ko, Pag nawala si Jennie, mawawalan ako ng isang Lakas"- Sabi ko sakanila habang namumuo na ang mga Luha sa mata ko.

"Pero Anak! Nakapag-usap na kayo ni Mr.Kim diba? Anak! Wag kana magsinungaling, Alam na namin ang Lahat about doon"- Sabi ni dad.

"Mom, Dad, Hayaan niyo na munang pag-isipan ko muna kung ano yung gagawin ko."- mahina kong sabi.

"Sige Anak! Pag-isipan muna ah? Iiwan ka muna namin ng dad mo, Dadalaw muna kami sa Company Okey? si Irene muna ang bahala sayo"- Paalam ni mommy saakin, Sabay halik sa Noo ko at ganun din si dad.

"Magpalakas ka anak!"- Bilin ni daddy but i just nodded. At tuluyan na silang umalis at tanging si Irene lang ang kasama ko dito.

Nag-isip muna ako ng mga ilang minuto bago magsalita.

"What can i do? How can i fight? Ayaw kong mawala saakin si Jennie pero kung patuloy siyang nasa akin, Masasaktan ko din siya sa Huli."- Sinasabi ko habang nakatingin sa itaas sabay nang pag-agos ng aking mga Luha. Agad naman akong tinabihan ni Irene.

"Ma'am Lisa, I understand you po. Nasasaktan din ako para sainyo ni Jennie. Pero siguro lisa, tama sina Tita at tito kailangan mo munang magpagaling bago mo makasama si Jennie ulit Para tuloy tuloy na yung pagmamahalan ninyo na yung tipong wala nang kahit anong hahadlang sainyo"- Mahinahong sabi saakin ni Irene na siyang dahilan para matauhan ako.

"But, Paano kung Gumaling na ako, At gustong makasama si Jennie pero huli na ako?"- Naiiyak ko paring sabi

"Ma'am Lisa, wag mong pang-unahan ang tadhana"- Tipid na sabi niya.

"I think tama kayo Irene, Habang nasa Akin si Jennie mas lalo siyang mahihirapan at ayokong mangyari yun? Siguro kung sino man ang taong nakalaan sakanya siguro sana siya na yung taong Mamahalin niya si Jennie tulad ng pagmamahal ko sakanya, Sana yung taong yun, Sana hindi siya sasaktan sa huli"- Wala sa sarili kong sabi habang umaagos yung mga luha ko..
.
.
.
.
.
Nandito ako ngayon sa Bahay kung saan kakalabas ko lang sa Hospital, Napayagan naman ako ng Doctor ko, wag ko lang daw kalimutan yung Medicine ko.

TOGETHER, FOREVER. (BOOK 2)Where stories live. Discover now